
MANILA — Ipinahayag ni Vice President-elect Sara Duterte, na itatalaga bilang secretary education, na maghahanap siya ng mga paraan para itaas ang suweldo ng mga guro at isinasaalang-alang ang pagbabalik sa face-to-face classes sa Agosto.
Sa press briefing noong Lunes ng umaga, sinabi ni Duterte, na nanumpa sa kanyang tungkulin noong nakaraang araw, na nagbigay na sa kanya ng tagubilin si President-elect Ferdinand Marcos Jr. na suriin ang pagpapatupad ng K-12 program ng Department of Education.
Nang tanungin kung isusulong ng DepEd ang face-to-face classes sa Agosto, sinabi ng vice president-elect: “We are targeting that, yes.”
“We’ll look at how we’ll be able to push that from the other accomplishments [of the department],” sinabi rin niya nang tanungin tungkol sa mga panawagan para itaas ang suweldo ng mga guro.
“Actually, the Duterte administration did do something about that,” wika niya rin, na itinuro ang pagtaas ng suweldo sa P23,877 mula sa P19,077. Ang isang entry-level na guro, o Teacher 1, ay nasa Salary Grade 11 at nakakakuha ng buwanang suweldo na P25,439.
Ibinunyag din ni Duterte na siya at si Education Secretary Leonor Briones ay nakipag-ugnayan at nakaiskedyul na ang kanilang unang face-to-face transition meeting sa Metro Manila sa Hunyo 25.
“I’ve not been briefed on the status of education nationwide so I haven’t seen the data yet,” aniya nang tinanong tungkol sa mga paaralan na nagpapatupad na ng mga harapang klase.
Sinabi ng grupo ng mga guro na Alliance of Concerned Teachers nitong Lunes na ang Pilipinas ang tanging bansa sa mundo na hindi pa ganap na nagbubukas ng mga paaralan nito.
“Why has she allowed our schools to be closed for almost two years? We’ve been seeing the effects of the closure of schools in our students, and it is the teachers who are going to take the toll of this problem,” wika ni ACT secretary-general Raymond Basilio sa “Headstart” ng ANC noong Lunes.
Hinikayat ni Education Secretary Briones noong Mayo ang mga pampubliko at pribadong institusyon na bumalik sa pagdaraos ng mga harapang klase para sa Academic Year 2022-23.





