DOLE: Wage hike magkakabisa ngayong Hunyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa lahat ng 16 na rehiyon ng bansa ay magtataas ng suweldo kasunod ng pag-iisyu ng mga kautusan ng kani-kanilang regional wage boards na magkakabisa ngayong Hunyo, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkules.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang wage orders na magkakabisa bago matapos ang Hunyo ay sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, at Caraga.

Magkakabisa ang PHP35 wage hike sa Zamboanga Peninsula sa Hunyo 25 habang ang PHP50 pay hike sa Eastern Visayas ay magkakabisa sa Hunyo 27.

Simula Hunyo 30, magkakabisa rin ang wage hikes sa Calabarzon at Caraga, kung saan ang buwanang minimum wage ay magiging PHP4,000.

Ang bagong minimum wage rates sa Eastern Visayas ay magiging PHP345 hanggang PHP375 at PHP338 hanggang PHP351 sa Zamboanga Peninsula at ang minimum wage na PHP350 hanggang PHP470 para sa Calabarzon.

Samantala, nagkabisa ang bagong minimum wage na PHP533-PHP570 sa National Capital Region (NCR) noong Hunyo 4, na sinundan ng Western Visayas, kung saan nagkabisa ang minimum wage na PHP410 hanggang PHP450 noong Hunyo 5, at ang Ilocos at Caraga Regions kung saan ang minimum wage na PHP372 hanggang PHP400 at PHP350, ayon sa pagkakasunod, ay nagkabisa noong Hunyo 6.

Ang iba pang rehiyon kung saan pinagkalooban ang mga manggagawa ng mas mataas na minimum wage ay ang Cagayan Valley (PHP400 hanggang PHP420) simula Hunyo 8; Soccsksargen (PHP347 hanggang PHP368) simula Hunyo 9; Mimaropa (PHP329 hanggang PHP355) simula Hunyo 10; at ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may PHP400 at Central Visayas (PHP382 hanggang PHP435) simula Hunyo 14.

Ipinagkaloob din ang pagtaas ng sahod sa Bicol Region at Northern Mindanao, na may bagong minimum wage na PHP365 at PHP378 hanggang PHP405, ayon sa pagkakabanggit, simula Hunyo 18; Davao Region, (PHP438 hanggang PHP443) na epektibo ngayong Hunyo 19; at Central Luzon (PHP344 hanggang PHP460) simula Hunyo 20.

Samantala, ang mga domestic worker (kasambahay) sa 13 rehiyon ay nakatakda ring makinabang sa mas mataas na sahod ngayong buwan.

Nagkabisa noong Hunyo 5 ang bagong monthly minimum wage na PHP4,500 sa Western Visayas; sinundan ng Ilocos Region, kung saan nagkabisa ang PHP5,000 minimum wage noong Hunyo 6; sa Cagayan Valley, kung saan nagkabisa ang bagong minimum wage na PHP5,000 noong Hunyo 8; at Mimaropa, kung saan nagkabisa ang PHP4,500 na bagong minimum wage noong Hunyo 10.

Sa CAR at Central Visayas, ang minimum wage na PHP4,500 at PHP4,500 hanggang PHP5,500, ayon sa pagkakasunod, ay nagkabisa noong Hunyo 14, habang ang minimum wage na PHP4,000 sa Bicol Region at PHP3,500 hanggang PHP4, 500 sa Northern Mindanao ay magsisimula sa Hunyo 18.

Kasama rin sa pagtaas ng suweldo ang Central Luzon at Davao Region, kung saan ang monthly minimum wage para sa mga domestic worker ay magiging PHP4,500-PHP5,000 at PHP4,500, ayon sa pagkakabanggit, simula Hunyo 20; ang Zamboanga Peninsula, kung saan ang monthly minimum wage ay magiging PHP3,500-PHP4,000 simula Hunyo 25; at Eastern Visayas, kung saan ang monthly minimum wage ay magiging PHP4,500-PHP5,000 simula Hunyo 27.

Ang wage boards sa NCR, Calabarzon, at Soccsksargen, gayunpaman, ay hindi pa naglalabas ng kani-kanilang wage order para sa mga domestic worker dahil nagsasagawa pa rin sila ng mga pampublikong pagdinig.

LATEST

LATEST

TRENDING