PRRD hinimok si Sara na ipagpatuloy ang kampanya laban sa droga sa mga paaralan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hinimok ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Linggo ang kanyang anak na si Vice President-elect “Inday” Sara Duterte, na tiyakin ang pagpapatuloy ng mga programa laban sa ilegal na droga sa mga paaralan.

Ito, matapos ipahayag ni Sara noong nakaraang buwan na tinanggap niya ang alok na maging Education secretary sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

But this time, kung wala na ako, sabihin ko na lang kay Inday, ‘Take over. Ikaw na ang… Kunin mo ‘yang trabahong…,” aniya sa kanyang talumpati matapos masaksihan ang pagbaba ng Tunnel Boring Machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project sa Valenzuela City.

Nauna nang sinabi ni Sara na nais niyang mapabuti ang kapakanan at kalidad ng edukasyon sa bansa sa kanyang anim na taong termino.

Dati niyang ipinahayag ang kanyang interes na pamunuan ang Department of National Defense ngunit kalaunan ay sumuko ito upang maiwasan ang anumang posibleng “intriga” na maaaring sumira sa koponan sa pagitan nila ni Marcos Jr.

Ipinaliwanag ni Duterte na ang mga kabataan ay kabilang sa mga pinaka-bulnerable at pinaka-apektado ng paggamit ng ilegal na droga.

“Biro mo ‘yang Department of Education, maraming bata diyan. Do not ever allow contamination diyan sa ano… If you have to do it, do it,” wika niya.

Idinagdag niya na pinasan niya sa kanyang sarili na ilunsad ang agresibong pagsugpo sa iligal na droga ng kanyang administrasyon dahil walang ibang gagawa nito para sa bansa.

Nagbabala muli si Duterte sa mga panganib sa paggamit at pagbebenta ng mga ilegal na droga, at binanggit na ito ay sisira sa bansa at hahantong sa mga “dysfunctional” na pamilya.

“Ang masakit sa akin isa pa, pagka tinamaan ‘yung mga bata, there will be a family dysfunction and there are plenty. So mag-away ‘yan pati mga bata. Wala na, bewildered and wandering in the woods of civilization,” dagdag niya.

Samantala, umapela din siya sa pulisya at militar na panatilihin ang momentum ng gobyerno

I would like to appeal to everybody that drugs, especially the military and the police and the Coast Guard who are here, never give up the fight against drugs. Drugs will kill the Philippines,” aniya.

Nangako rin siya na ipagpatuloy ang kanyang kampanya laban sa droga bilang isang sibilyan at protektahan ang mga law enforcement officer na nahaharap sa mga kaso sa pagpatay sa mga suspek sa droga sa ilalim ng self-defense.

As long as it is done in the performance of your duty and you run afoul or may namatay at maingay, ako sabihin ko I am the one who will assume the full accountability and all,” wika niya.

LATEST

LATEST

TRENDING