PNP, ipapatupad ang one-strike policy vs illegal gambling

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) noong Huwebes na mahigpit nitong ipatutupad ang one-strike policy laban sa mga police commander na nabigong sugpuin ang mga illegal gambling operations.

Binalaan ni PNP Directorate for Operations chief Maj. Gen. Valeriano de Leon ang mga hepe ng pulisya na aalisin sila sa kanilang mga puwesto kung mahuhuli silang nakikipagsabwatan sa mga illegal gambling operator.

We have to remind police commanders that there is a specific instruction from Executive Secretary Salvador Medialdea and PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) chairperson Royina Garma that Peryahan ng Bayan operations are no longer authorized,” wika ni Valeriano sa isang pahayag.

Iniutos ni Interior Secretary Eduardo Año sa PNP at local government units na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa operasyon ng Peryahan ng Bayan.

Sinabi ni De Leon na irerekomenda niya kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang pag-relieve sa mga hepe ng pulisya kung mabibigo silang sugpuin ang mga operasyon ng illegal gambling sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

There is a directive from Malacañang to stop illegal gambling. If they fail to do it, then they will be relieved immediately. We will find other police commanders who will replace them,” wika ni De Leon.

Inilabas niya ang babala matapos makatanggap ng ulat ang PNP na ang Peryahan ng Bayan at iba pang uri ng illegal gambling ay patuloy pa rin sa pag-oopera sa Calamba City at iba pang bahagi ng Laguna.

Inatasan si Calabarzon police director Brig. Gen. Antonio Yarra na imbestigahan ang mga illegal gambling operator sa Laguna.

LATEST

LATEST

TRENDING