
MANILA – Batay sa volcano bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, bagama’t patuloy na naglalabas ng malalakas na plume ang Bulkang Bulusan, ang mga volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras ay mas kaunti kumpara noong nakaraang araw.
Ang mga volcanic earthquake ay sanhi ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan, kumpara sa mga tectonic quake na dulot ng fault movement.
Sa nakalipas na 24 na oras, pitong volcanic quakes ang naitala sa Bulkang Bulusan, mas mababa sa 29 volcanic quakes noong nakaraang araw.
Sa parehong 24-oras na panahon ng pagmamasid, ang mga malalaking plume emissions na 150 metro ang taas ay naitala. Patuloy din ang pag-agos ng plume sa hilagang-kanluran.
Ang mga volcanic plume ay ang mga mainit na abo ng bulkan at gas na ibinubuga sa kapaligiran mula na pagsabog ng bulkan. Ang mas mahinang pagsabog ay batay sa taas ng plume na lumalabas sa crater.
Ang Alert Level 1 (low-level unrest) ay itinaas sa Bulkang Bulusan mula noong Linggo nang naitala ang 17 minutong phreatic eruption at steam-rich gray plume sa paligid na isang kilometro ang taas.





