Palasyo umapela sa mga jeep driver, operator na huwag suspindihin ang operasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, umapela ang Malacañang nitong Lunes sa mga driver at operator ng public utility jeepney (PUJ) na huwag ituloy ang kanilang planong suspindihin ang mga operasyon ng jeep sa buong bansa ngayong linggo.

“Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang kanilang planong tigil pasada ngayon linggo,” sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang press statement.

Tiniyak ni Andanar na ginagawa ng gobyerno ang lahat para masugpo ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot ng limitadong suplay sa pandaigdigang pamilihan ng langis.

Ipinahayag niya ang patuloy na pagsisikap na ilunsad ang fuel subsidy ng Department of Transportation para sa mga benepisyaryo.

“Nasa mahigit 180,000 public utility vehicle operators ang nabigyan na ng fuel subsidy, as of June 1, 2022, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board,” dagdag niya.

Matagal nang inirereklamo ng mga grupo ng mga jeepney driver at operator ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, lalo na’t umaasa sila sa kanilang pang-araw-araw na kita.

Ayon sa transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide, karamihan sa mga PUJ driver ay kumikita lamang ng PHP300 kada araw o halos hindi sapat para pakainin ang kanilang mga pamilya.

Sa ngayon ay nakapaglabas na ang gobyerno ng multi-bilyong pisong tulong na pondo sa sektor ng transportasyon.

Nauna nang nagbabala ang Department of Energy na ang average local retail prices ng gasolina ay maaaring tumaas sa PHP100 kada litro kapag ang internasyonal na presyo ng langis ay umabot sa USD200 kada bariles.

Sa kasalukuyan, nasa PHP70 kada litro ang average retail price.

LATEST

LATEST

TRENDING