Marcos manunumpa bilang pangulo sa National Museum

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinili ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Museum of the Philippines sa Maynila bilang venue para sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 chief executive ng bansa ngayong Hunyo 30.

Ang National Museum, pagkatapos na siyasatin ng inaugural committee ni Marcos, ay nakitaan bilang isang “angkop” na lugar para sa panunumpa ni Marcos, sinabi ni Presidential Management Staff (PMS) secretary-designate Zenaida “Naida” Angping.

Sinabi ni Angping na ang mga paghahanda ay isinasagawa upang matiyak ang maayos na inagurasyon ni Marcos.

The National Museum of (the) Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos’ inauguration. Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” wika niya sa isang pahayag.

Ang National Museum, na dating kilala bilang Old Legislative Building, ay nagsilbing venue para sa inagurasyon ng mga dating pangulong Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).

Isa ito sa tatlong makasaysayang mga lugar na naunang itinuturing ng kampo ni Marcos bilang posibleng mga lugar ng pagpapasinaya.

Ang dalawa pa ay ang Quirino Grandstand at Fort Santiago.

Ang Quirino Grandstand ay kung saan idinaos ng ama at kapangalan ni Marcos, ang yumaong pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang kanyang inagurasyon bilang ika-10 pangulo ng bansa noong 1965.

Sinabi ni Angping na hindi napili ang Quirino Grandstand bilang venue para sa inagurasyon ni Marcos dahil napansin ng ocular inspection team na napapaligiran ito ng ilang field hospitals na nag-accommodate sa mga indibidwal na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

The safety and welfare of our people are paramount. As such, we chose to avoid disrupting the medical care being given to the Covid-19 patients housed there. That’s why we opted for the National Museum as the venue,” dagdag niya.

Noong Mayo 25, si Marcos ay iprinoklama ng Kongreso bilang bagong pangulo ng bansa matapos manalo sa 2022 national elections sa pamamagitan ng pagkamit ng 31,629,783 boto.

LATEST

LATEST

TRENDING