
MANILA – Malugod na tinanggap ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Martes ang pinakahuling pahayag ng Department of Education (DepEd) na ganap na buksan ang face-to-face (F2F) classes sa Hunyo.
Sa isang pahayag, sinabi ng executive director ng CHR na si Jacqueline Ann de Guia, na ang “karapatan sa edukasyon ay likas sa paggamit ng iba pang karapatang pantao”, kaya naman ang “matinding suporta” ng ahensya sa DepEd.
“In the third year of the Covid-19 pandemic, the Philippines remains one of 23 countries that have yet to fully reopen schools. Education, supposedly the greatest equalizer, has posed to further divide and alienate the most marginalized children in our society, placing them at greater risk of exploitation and a lifetime of poverty,” wika ni de Guia.
Noong Martes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang 100 porsiyentong muling pagbubukas ng mga aktwal na klase ay depende sa payo ng Department of Health, paghahanda ng mga local government units, at pagsang-ayon at partisipasyon ng mga magulang.
Sa pagbanggit sa ulat mula sa DepEd, sinabi ni de Guia na 73 porsyento ng mga pampublikong paaralan ang bumalik sa face-to-face classes.
Ang mga pribadong institusyon, gayunpaman, ay nananatiling maingat dahil 676 lamang sa 16,000 mga paaralan ang bumalik sa in-person learning.
“The Commission hopes for the steady and progressive expansion of face-to-face learning while maintaining strict adherence to Covid-19 health and safety protocols,” wika ni de Guia.
Kinilala rin ni De Guia ang “paggalugad ng DepEd sa pagiging epektibo ng blended learning setup” upang matugunan ang pag-aalangan ng mga magulang na ipalahok ang kanilang mga anak sa mga in-person na klase.
Idinagdag niya na ang pagtiyak sa karapatan ng bawat batang Pilipino sa edukasyon ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na mapabuti ang kanilang buhay.
Tinutulay din nito ang mga gaps sa ekonomiya at panlipunan, tulad ng produktibidad, gender inequality, at health care accessibility, na humahadlang sa ating nation-building, dagdag niya.
Nanawagan si De Guia sa mga papasok na opisyal ng gobyerno na “gawing priority investment ang accessible at de-kalidad na edukasyon”.
“May the glaring inequalities among literacy and proficiency among our youth that the pandemic has underlined be urgently acted on, with the education sector at the very helm,” dagdag niya.





