Marcos itataguyod ang territorial rights sa pagbanggit ng 2016 PCA ruling

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Ipinahayag ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes na poprotektahan niya ang mga karapatan sa soberanya ng Pilipinas sa maritime domain nito at itataguyod ang desisyon ng Hague-based Permanent Court of Arbitration (PCA) noong 2016 na magpapawalang-bisa sa claims ng South China Sea (SCS) ng China.

Sa isang panayam sa piling media, sinabi ni Marcos na igigiit ng kanyang administrasyon ang mga karapatan sa teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

We have a very important ruling in our favor and we will use it to continue to assert our territorial rights. It is not a claim. It is already our territorial right,” aniya.

Idinagdag pa niya na ipagtatanggol niya ang soberanya ng Pilipinas at “hindi ito ikokompromiso sa anumang paraan.”

We will not allow a single square, and maybe make it even more smaller, single square millimeter of our maritime coastal and up to 200 kilometers rights to be trampled upon,” wika niya.

Aniya, makikipag-usap ang kanyang gobyerno sa China “na may matatag paninindigan” hinggil sa usapin.

Gayunman, iginiit niya na hindi makikipagdigma ang Pilipinas sa China, idinagdag niya

Ang PCA sa Hague, Netherlands noong Hulyo 12, 2016 ay nagpasya na pabor sa petisyon ng Pilipinas laban sa diumano’y makasaysayang mga karapatan ng Beijing sa halos buong SCS.

Paulit-ulit na binalewala ng China SCS ruling, habang pinanatili ng Pilipinas ang paninindigan nito na lutasin ang sea disputes sa pamamagitan ng mapayapa at diplomatikong negosasyon.

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ay naghahangad ng mapayapang pag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan sa strategic waterway.

A rules-based order is the lynchpin of regional peace and stability. The peaceful resolution of disputes is a necessary and indispensable pillar of any order anchored on the majesty of the law,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING