PH naabot na ang 77% target na populasyon para sa Covid-19 vax program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang Pilipinas ay nakapagbakuna na ng halos 77 porsiyento ng target na populasyon nito laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), ang 69,037,072 Pilipino, na kumakatawan sa 76.70 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa, ay nakatanggap na ng dalawang pangunahing serye ng mga bakuna laban sa coronavirus, na may humigit-kumulang 14 milyon ang nabigyan na ng unang booster dose.

Nauna nang binanggit ni Secretary Vince Dizon, presidential adviser on Covid-19 response, na ang malawakang pagbabakuna na programa ay nag-ambag sa pagbaba ng mga aktibong kaso, kahit na sa mga kaganapan tulad ng Lenten season, pagdiriwang ng Ramadan, at halalan—na nagdudulot ng pagsiksikan ng mga tao.

Despite all of this, we have been able to successfully keep our cases down. And a huge part of this is really the extent of our vaccination program,” wika ni Dizon sa kamakailan lamang na ipinalabas na Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakapagtala ang bansa ng 2,271 aktibong kaso mula Mayo 10 hanggang 23 na may positive growth rate na 15 porsyento.

“Kagaya po ng sinabi kanina despite the many election-related cases, we did not see a significant spike in the number of cases, and it is, I think, a testament to not only the government’s efforts at pushing the vaccines but also the willingness and cooperation of our countrymen and women,” wika ni Dizon.

Sinabi ni Dizon na uunahin pa ng gobyerno ang pagpapalawak ng saklaw ng pagbabakuna sa ilang lalawigan.

We are also already going to start aggressively pushing the boosters for 18 years old and above,” dagdag niya. 

LATEST

LATEST

TRENDING