Palasyo: Marcos admin ang magdedesisyon sa panukalang magpataw ng bagong buwis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Ipinauubaya ng Malacañang sa papasok na economic team ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapasya sa panukala ng Department of Finance (DOF) na magpataw ng bago at mas mataas na buwis, pagpapaliban ng personal income tax reduction, at pagpapawalang-bisa ng ilang tax exemption upang mapataas ang mga kita ng bansa at mabayaran ang mga utang.

Isinaad ito ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar matapos ihayag noong Miyerkules ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang panukalang fiscal consolidation at resource mobilization plan ng DOF.

Ang plano ay naglalayon na “siguraduhin na ang gobyerno ay maaaring patuloy na epektibong pamahalaan ang tumaas na depisit sa badyet habang gumagastos sa mga pamumuhunan sa imprastraktura, edukasyon, at pangangalagang pangkalusugan para sa paglago at pagbangon ng ekonomiya.”

Ito rin ay matapos hirangin ni Marcos, sa isang press conference noong Huwebes, ang mga miyembro ng kanyang economic team.

Imposing new taxes, deferring personal income tax reductions, and repealing some tax exemptions are some of the proposals of the Department of Finance to the incoming Marcos Administration to raise the much-needed government revenues. However, we leave this matter, and other ways to mobilize resources, to the wisdom of the President-elect’s Economic Team,” wika ni Andanar sa isang press statement.

Nakatakdang manungkulan si Marcos sa Hunyo 30.

Sa isang press conference nitong Huwebes ng umaga, inihayag ni Marcos na pinili niya si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor (BSP) Benjamin Diokno para pamunuan ang kanyang economic team bilang susunod na Finance Secretary.

Magsisilbi sa natitirang termino ni Diokno si Monetary Board member Felipe Medalla.

Ang dating University of the Philippines (UP) President na si Alfredo Pascual ay tinanghal na Trade Secretary.

Makakasama nila si Philippine Competition Commission (PCC) chairperson Arsenio Balisacan, socioeconomic planning secretary ni Marcos, sa economic team ng papasok na administrasyon.

Kailangang makalikom ang Pilipinas ng PHP249 bilyon bawat taon bilang mga incremental revenue para sa susunod na 10 taon upang mabayaran ang PHP3.2 trilyon sa incremental debt na natamo sa panahon ng pandemya, ayon sa datos mula sa Bureau of the Treasury.

Upang taasan ang halagang ito, iminungkahi ng DOF na “taasan ang mga kita, pagbutihin ang pangangasiwa ng buwis, at bawasan ang hindi kinakailangang paggasta sa mga reporma sa pananalapi” sa fiscal consolidation at resource mobilization plan.

LATEST

LATEST

TRENDING