DOH: 3 contact ng 1st BA.4 case lahat asymptomatic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang tatlong contact ng unang kaso ng Omicron BA.4 subvariant ay asymptomatic at ganap na nabakunahan, ayon sa isang health official noong Martes.

Ang unang kaso ay isang nagbabalik na overseas Filipino mula sa Qatar na may travel history sa Brazil at South Africa.

Siya ay hindi bakunado at asymptomatic nang pumasok sa bansa.

Bago pa man makasalumuha nito ang tatlong identified household contacts siya po ay nakatapos na ng 14-day isolation mula May 4 hanggang 18,” wika ni Department of Health Epidemiology Bureau officer-in-charge Dr. Alethea de Guzman sa isang online media forum.

Ang testing status ng bawat isa sa mga contact ay bini-verify, dagdag niya.

Itinuturing ng European Center for Disease Prevention and Control ang BA.4 bilang isang “variant of concern” dahil sa mataas nitong transmissibility at kakayahang umiwas sa immune protection.

Hinihimok ng DOH ang publiko na sundin ang health at safety protocols at magpabakuna ng primary series at booster doses para maprotektahan laban sa coronavirus disease 2019.

LATEST

LATEST

TRENDING