Comelec maaaring iproklama mga nanalong party-list sa susunod na linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Maaaring iproklama ng Commission on Elections (Comelec), na uupo bilang National Board of Canvassers (NBOC), ang mga nanalong party-list sa May 2022 polls sa susunod na linggo.

Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, gagawin kaagad ang proklamasyon matapos ang pagdaraos ng nakatakdang special elections sa Lanao del Sur.

We could proceed with it (proclamation) immediately after the May 24 special elections in Lanao del Sur. We could proceed, hopefully, on May 25 with the proclamation of the winning party-lists,” aniya sa isang press briefing noong Huwebes.

At this point, anything is possible. We are confident that, based on projections, it is possible that the Shanghai votes will no longer affect the results, or, if at all, it will be at the bottom part,” wika ni Laundiangco nang tanungin kung ganap o bahagyang gagawin ang proklamasyon sa susunod na linggo.

The intention of the Comelec is really to do a complete 63 seats,” aniya.

Nauna nang inihayag ng Comelec na magsasagawa sila ng partial proclamation ng mga nanalong party-list sa Mayo 19 sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum Tent sa Pasay City, ngunit hindi ito natuloy.

Ito ay matapos magdesisyon ang NBOC na hintayin ang resulta ng special election sa 12 barangay sa Lanao del Sur at sa Shanghai, China, dahil mahalaga pa rin ang mga boto sa pagtukoy ng mga nanalo sa party-list.

Ang 1,991 na botante sa Shanghai ay hindi pa nagdaraos ng halalan dahil sa lockdown ng gobyerno ng China dahil sa pandemya.

Batay sa datos mula sa pinakahuling National Tally Sheet para sa mga party-list, anim na grupo ang nakaabot sa 2 porsiyentong threshold – ACT-CIS (2,109,022 boto), 1-Rider Party-list (1,000,343 boto), Tingog (886,431 boto) , 4Ps (836,294 votes), Ako Bicol (816,255 votes), at Sagip (779,542 votes).

LATEST

LATEST

TRENDING