Marcos, Xi tinatalakay ang bilateral ties, regional dev’t

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nag-usap sa telepono si Chinese President Xi Jinping at ang presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang talakayin ang bilateral ties at regional developments, inihayag ng Chinese Embassy sa Maynila noong Miyerkules.

Sinabi ni Xi sa kanyang pagtawag na dapat maunawaan ng dalawang bansa ang pangkalahatang kalakaran, magsulat ng isang engrandeng kuwento sa pagkakaibigan ng China at Pilipinas sa bagong era at sundin ang blueprint para sa “bilateral friendly cooperation”.

Citing a Philippine saying: ‘If you do not know where you have come from, you cannot go far,’ President Xi urged both countries to carry forward the friendship of the two sides and stay true to their original aspiration,” ayon sa embahada.

Muling binati ni Xi si Marcos at itinampok ang kanyang pakikilahok sa “pag-unlad ng relasyon ng China-Philippines.”

Tinawag din niya si Marcos na isang “buildre, tagasuporta at tagapagtaguyod ng pagkakaibigan ng China-Philippines.

Sinabi ng embahada na nangyari ang pagtawag sa telepono ng Chinese leader noong Miyerkules ng umaga.

LATEST

LATEST

TRENDING