Kampo ni Marcos sa DQ petitioners: ‘Matutong igalang ang kalooban ng sambayanang Pilipino’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Umapela ang chief of staff at tagapagsalita ng presumptive president na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga petitioner ng disqualification cases noong Martes para itigil ang kanilang agenda ng dibisyon at poot.

Ayon kay Atty. Victor Rodriguez, dapat ay kanilang igalang ang kagustuhan ng nakararami na bumoto kay Marcos at sa kanyang running mate na si Inday Sara Duterte noong May 9 national at local elections.

I appeal to those who keep on pursuing this divisiveness, the people have spoken. The Filipino people have spoken and an overwhelming majority has voted President-elect Bongbong Marcos and Vice President-elect Inday Sara Duterte into office as President and Vice President. Learn to respect the will of the Filipino people,” aniya.

Sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na wala pa silang natatanggap na kopya ng petisyon na inihain sa Korte Suprema para kanselahin ang certificate of candidacy ni Marcos na may pag-apela para sa pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) upang harangin ang pagbibilang ng mga boto para sa kanyang proklamasyon kung siya ay manalo.

Binanggit ni Rodriguez na nagkakaisang binasura ng Commission on Elections (Comelec) ang mga disqualification cases sa division at en banc levels.

We have yet to receive a copy of the petition that was filed this morning. However, I think these cases have been resolved unanimously (already) by the Commission on Elections on the division level as well as the Commission on Elections en banc. And these cases have been dismissed and the decision was unanimous,” wika niya.

Dagdag pa rito, nanawagan din ang tagapagsalita sa mga petitioner na payagan si Marcos at ang kanyang papasok na administrasyon na gumugol ng limitadong oras sa isang araw upang magtrabaho nang produktibo sa halip na gumugol ng oras para sa kanilang poot.

And I appeal to you, instead of pushing for your agenda of animosity e tulungan niyo na lang kami na pagtuunan at gamitin natin ang ating limitadong oras everyday, we are all limited to 24 hours in a day, allow us to be more productive,” aniya.

Nauna nang umapela sa mataas na hukuman ang mga petitioner na sina Fr. Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal, at Josephine Lascano na maglabas ng TRO na nag-uutos at pumipigil sa Senado at House of Representatives na i-canvass ang mga boto para kay Marcos at iproklama siya bilang pangulo sakaling manalo siya sa halalan sa Mayo 9.

Noong nakaraang linggo, pinagtibay ng Comelec en banc ang resolusyon ng Second Division ng poll body na nagbasura sa petisyon na inihain ni Buenafe para kanselahin ang COC ni Marcos.

Katulad ng desisyon sa disqualification cases, sinabi ng Comelec en banc na nabigo ang mga petitioner na maghain ng mga bagong usapin o isyu na magbibigay-katwiran sa pagbabalik-tanaw sa naging desisyon ng dating Comelec Second Division.

Kamakailan, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, sa ilalim ng mga panuntunan ng Comelec, ang mga nanalong kandidato para sa 2022 elections na may nakabinbing disqualification cases ay maaari pa ring iproklama nang walang pinal na desisyon na magbabawal sa poll body na gawin ito at kung walang makakapigil sa kanila.

LATEST

LATEST

TRENDING