Comelec: Sara Duterte maaaring manumpa bago ang Hunyo 30

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na walang mali sa plano ni presumptive Vice President Sara Duterte na isagawa ang kanyang panunumpa bago ang Hunyo 30, ang opisyal na pagsisimula ng kanyang termino.

Kinumpirma ni Comelec Commissioner George Garcia na maaaring magpatuloy sa panunumpa ang dating Davao City mayor 11 araw bago ang simula ng kanyang termino bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

It can be done earlier. This is as long as they assume office at 12:01 p.m. on June 30 and the content of the oath is similar to the one in the Constitution. That’s what is provided for by the Constitution,” wika niya sa isang press conference.

It is not indicated in the law that the actual oath should happen at exactly 12 noon of June 30,” dagdag ng poll body Commissioner.

Ayon kay Garcia, ang pagsasagawa nang maagang panunumpa sa panunungkulan ay ginawa noon pa man.

“If I remember correctly, there were two former presidents, who took their oath at 11:45 a.m., not 12 noon. Is that a violation of the Constitution? Nobody questioned,” aniya.

Nauna rito, sinabi ng presidential daughter na inaasam nila ang kanyang panunumpa bilang bise presidente sa Hunyo 19 sa Davao City.

Idinagdag niya na nais nilang maisagawa nang maaga ang kanyang panunumpa sa panunungkulan dahil gusto rin niyang masaksihan ang inagurasyon ng kanyang tandem at nangungunang presidential bet na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

LATEST

LATEST

TRENDING