
MANILA – Ipinahayag ng Malacañang nitong Huwebes na hindi kailangang mag-alala ng kahalili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa isang online Palace press briefing, sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na ang ekonomiya ng bansa ay nasa “magandang” katayuan bago bumaba si Duterte sa pwesto ngayong Hunyo 30.
Sa unang quarter ng 2022, lumago ng 8.3 porsyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa, ayon kay Andanar.
Sinabi rin ni Andanar na ang foreign direct investments noong Pebrero 2022 ay tumaas ng 46.3 porsyentong year-on-year sa USD893 million net inflows mula sa USD611 million sa parehong buwan noong 2021.
Binanggit din niya ang preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority na nagpakita na ang pagmamanupaktura ay lumago ng 336.3 porsyento noong Marso 2022.
“Isang magandang ekonomiya. Makikita sa tatlong good news na ito na maayos na ekonomiya at isang napakagandang Duterte legacy na ipapamana ng Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon,” wika ni Andanar.
Sa mahigit isang buwang natitira sa kanyang administrasyon, titiyakin ng economic team ni Duterte na mananatili ang economic rebound ng bansa hanggang sa kanyang mga huling araw sa panunungkulan, ani Andanar.
“Itutuloy lang ng ating finance or economic cluster team kung ano ang ginagawa nito,” isinaad niya.
Kaya, mas magiging madali para sa susunod na administrasyon na palakasin pa ang ekonomiya ng Pilipinas, ani Andanar.
“Ibig sabihin, tama ang ating ginagawa. Magandang transition ito pagdating sa economy dahil ang bagong administrasyon na papasok ay hindi sila magkandarapa na iangat o pataasin ang GDP dahil mataas na,” wika niya.
Batay sa partial at hindi opisyal na pagbilang ng mga boto, malamang na manalo si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race, dahil napanatili niya ang malawak na pangunguna sa kanyang pinakamalapit na karibal na si Vice President Maria Leonor “Leni”





