Duterte umaasang magkaisa ang mga Muslim, Kristiyano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Umaasa si Pangulong Rodrigo R. Duterte na isantabi ng mga Muslim at Kristiyano ang mga poot at magtutulungan para sa kapayapaan.

Sa isang talumpati sa ika-501 anibersaryo ng Victory of Mactan sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Miyerkules ng gabi, nanawagan si Duterte sa mga Muslim na bawasan ang sama ng loob sa mga Kristiyanong sumusulyap sa kanila.

“Kayong mga Muslim kasi ‘pag tinitignan kayo para ka na ‘yung iniinsulto ka o masama kaagad ang reaction ninyo,” wika niya.

Gayunpaman, sinabi niyang naging panatag sila matapos silang batiin ng mga tao ng “Assalamu alaikum”, isang tradisyonal na pagbati sa mga Muslim.

Hinikayat din ni Duterte ang mga Kristiyano na maging mabait sa mga Muslim, na binanggit na ang mga taong may iba’t ibang pananampalataya ay hindi dapat tingnan na iba sa kanila.

“Kamo pung mga Kristiyanos try to, you know, make friends kay ang mga – tawo ra gud na, it’s just ‘yung religion nila. Wala na tayong away ngayon sa relihiyon whether it’s Allah or God the Father, it’s still the same for all of us,” dagdag niya.

Sinabi ni Duterte na nais niyang mag-iwan ng “legacy” ng paggawa ng mga hakbang upang mas magkaisa ang dalawang pananampalataya.

So try to mix. With the hope – ako ba, ang akong prayer is that someday we’d be able to unite the country minus…I don’t know if it’s still there, but ‘yung hatred ng Moro…” dagdag niya.

Sa inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) project, muling iginiit ni Duterte ang kanyang apela sa mga Muslim at Kristiyano na maging mas tanggap sa isa’t isa.

I’d like to tell everybody including the Muslims — you know, my mother is a part Maranao…do not take offense by just being with a Christian and sometimes being you know ‘yung glances na ano, eh huwag ninyong…(do not take offense),” aniya.

Inamin niya na ang ilang mga Muslim ay maaaring magalit sa kung paano mayroon na ngayong mga Kristiyano sa bansa, ngunit hinikayat silang huwag tingnan ang kanilang mga pagkakaiba.

You have to embrace the Christians there because whether you like it or not, nandiyan na ‘yan eh. At saka tayo na mga Kristiyanos, eh wala na tayo. This is the only planet that we have,” dagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING