Palasyo nakikiramay kasunod ng pagguho ng tulay sa Bohol

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakiramay ang Malacañang nitong Huwebes sa pamilya ng apat na tao na namatay matapos gumuho ang lumang Clarin Bridge sa bayan ng Loay, Bohol noong Miyerkules ng hapon.

We express our condolences to the families of the victims who perished with the collapse of a bridge in Loay town in Bohol,” wika ni acting presidential spokesperson at Communications secretary Martin Andanar sa isang pahayag.

Ayon kay Andanar, ipagdadasal ng Palasyo ang “swift recovery” ng 20 iba pa na nasugatan sa insidente.

Tiniyak din niya na patuloy ang imbestigasyon at ibibigay ang tulong sa lahat ng nasawi.

Authorities are currently conducting an investigation even as we assure everyone, especially affected residents and communities, of government assistance,” dagdag niya.

Sinabi ng lokal na pulisya na hindi bababa sa 12 sasakyan ang nahulog sa ilog nang gumuho ang lumang tulay bandang alas-4 ng hapon noong Miyerkules.

Ang mga rescuer ay nagsagawa ng mga pagsisid upang mahanap ang mga sasakyan at mga tao na maaaring naipit sa loob ng kanilang mga sasakyan.

Sa 12 sasakyan sa ilalim ng tubig, anim ang apat na gulong na sasakyan, isang dump truck, tatlong tricycle, at dalawang motorsiklo.

Batay sa inisyal na ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), posibleng gumuho ang tulay dahil sa “overloading”.

Nangako ang pamahalaang panlalawigan ng Bohol na magbibigay ng “full financial assistance” sa mga biktima at survivors ng trahedya.

Nasira ang tulay noong 7.2 magnitude na lindol noong 2013 ngunit ginagamit pa rin habang hinihintay ng mga motorista na matapos ang bagong tulay sa tabi nito.

Ang bagong tulay na papalit sa Clarin Bridge ay nakatakdang maging bukas sa publiko sa Hunyo ngayong taon.

LATEST

LATEST

TRENDING