
MANILA – Batay sa pinakabagog survey ng PUBliCUS Asia na inilabas nitong Lunes, sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang mga top pick para sa presidente at bise presidente, ayon sa pagkakasunod-sunod, sa National Capital Region (NCR).
Ang PAHAYAG NCR tracker survey mula Abril 8 hanggang 13 ay nagpakita na si Marcos ay pinili ng 51.6 porsiyento ng 1,625 respondents.
Nasa 24.3 porsiyento ang napunta kay Vice President Leni Robredo, kasunod si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nakakuha ng 9.8 porsiyento.
Kasunod nila sina Senator Panfilo Lacson, 4.2 porsiyento; Senator Manny Pacquiao, 1.8 porsiyento; Leody de Guzman, 1 porsiyento; Ernesto Abella, 0.9 porsiyento; at Norberto Gonzales, 0.1 porsiyento.
Sa lahat ng mga respondent, 5.7 porsyento ang hindi pa nakakapagdesisyon kung sino ang kanilang iboboto sa May 9.
Para sa pagka-bise presidente, nakakuha si Duterte ng 51.3 porsiyento, sinundan ni Senador Francis Pangilinan sa 15.4 porsiyento, si Senate President Vicente Sotto III na may 11.6 porsiyento, at si Dr. Willie Ong na may 11.4 porsiyento.
Ang mga resulta ay nagpakita rin na ang katatagan ng boto ay kapansin-pansing mataas sa presidential at vice presidential race, kung saan karamihan sa mga tagasuporta ay “tiyak o malamang na hindi magbabago ng kani-kanilang mga boto”.
Nakuha ni Robredo ang pinakamataas na proporsyon ng matatag na boto na may 87 porsiyento ng 24.3 porsiyento ng mga respondent na pumili sa kanya na nagsasabing “ang kanilang boto ay tiyak o malamang na hindi magbabago”.
Samantala, 86 porsiyento ng 51.6 porsiyento ng mga respondent na pumili kay Marcos ang nagsabing “tiyak o malamang na hindi magbabago ang kanilang boto”, na sinundan ng 68 porsiyento ng matatag na mga botante ni Domagoso.
May 90 porsiyento ng mga tagasuporta ni Duterte ang nagsabing tiyak o malamang na hindi nila babaguhin ang kanilang mga boto habang sina Pangilinan, Sotto, at Ong ay nakakuha ng matatag na bahagi ng mga botante na 84 porsiyento, 77 porsiyento, at 69 porsiyento, ayon sa pagkakabanggit.
“The NCR vote firmness numbers appear to validate the general trend illustrated by our national data, which suggest that a large majority of registered voters are already dead-set on whom to vote for President and Vice President on May 9,” wika ni Aureli Sinsuat, executive director ng PUBLiCUS, sa isang pahayag.
Ang survey sample ng 1,625 rehistradong Filipino voters ay kinuha mula sa panel marketplace na pinananatili ng American firm na PureSpectrum, na may kabuuang 100 respondents bawat isa ay kinuha mula sa 15 lungsod ng Metro Manila, maliban sa 76 sample mula sa San Juan at 49 mula sa Pateros.
Ang NCR-wide survey ay may margin of error na plus/minus 3 percent.





