4 presidential bets magkakaisa laban sa posibleng sabotahe sa halalan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Apat na kandidato sa pagkapangulo ang pumirma ng joint statement noong Linggo upang magsanib-puwersa kung magkakaroon ng pagtatangkang isabotahe ang halalan sa Mayo 9.

Sa joint press conference sa The Peninsula Manila Hotel sa Makati City, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Damagoso, Sen. Panfilo Lacson, at dating National Security adviser Norberto Gonzales na nangangamba sila na magkakaroon ng malawakang dayaan sa darating na botohan.

Ang ikaapat na presidential bet na si Sen. Manny Pacquiao ay kabilang sa mga lumagda ngunit hindi nakarating sa kaganapan habang sina vice presidential candidate Dr. Willie Ong at Senate President Vicente Sotto III ay sumama sa kanilang mga running mate.

’Yan naman po talaga ang ginagawa nung mga nakaraang eleksyon eh. Parang inihahanda na po ‘yung sambayanan natin para di kwestyunin kung ano ang resulta kahit na may daya. Eh palagay ko po naman panahon na para huwag na nating pahintulutan ‘yan,” wika ni Gonzales.

Sinabi ni Lacson na maninindigan sila bilang isa.

’Yan ang essence ng paglabas namin ngayong umaga. At warning na rin na huwag kayo mag-subvert ng will of the electorate kasi we’ll stand up as one,” aniya.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, “buo niyang sinusuportahan” ang paninindigan nina Domagoso, Gonzales, at ng kanyang running mate na si Lacson.

Kinumpirma ni Lacson na nakatanggap sila ng intelligence reports ng elections sabotage ngunit patuloy pa rin itong bini-validate.

Hindi naman puwedeng agad-agad i-share sa public kung hindi validated. We’re very careful along this line. We’re still working on it to validate, but there are numerous reports actually pointing to this subversion or subverting the will of the people,” wika niya.

Dagdag pa ni Lacson, kung magkakaroon ng pagtatangkang sirain ang araw ng halalan, maninindigan sila bilang isa.

Hindi naman kami naghahamon ng rebolusyon pero gagawin namin ang magagawa namin following the rule of law, of course para pigilan kung hindi man talaga labanan,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING