Palasyo: Duterte nananatiling ‘most approved, trusted’ official

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ikinagalak ng Malacañang ang patuloy na pagpapakita ng suporta at pagtitiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mahigit dalawang buwan na lamang ang natitira bago siya bumaba sa pwesto.

Ito, matapos ipahayag ng PUBLiCUS Asia Inc., sa Pahayag 2022 First Quarter Survey nito mula Marso 30 hanggang Abril 6 na si Duterte pa rin ang umusbong bilang pinaka-aprubado at pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno.

“Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at tiwala kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa Pahayag 2022 First Quarter Survey ng PUBLiCUS Asia, nananatiling most approved at most trusted government official si Pangulong Rodrigo Roa Duterte,” wika ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang online Palace press briefing.

Ayon sa PUBLiCUS, 67.2 porsyento ng 1,500 respondents ang nag-apruba sa pagganap ng trabaho ni Duterte sa nakaraang labindalawang buwan, habang 61.2 porsyento ng mga respondent ang patuloy na nagtitiwala sa Chief Executive.

Sinabi ng PUBLiCUS na ang pag-apruba at trust rating ni Duterte ay “mas mataas sa Abril 2022 kaysa sa anumang punto sa 2021.”

Ang mga marka ng pag-apruba ni Duterte sa mga quarterly survey ng PUBLiCUS noong 2021 ay mula sa mababang 57.9 porsiyento noong Hulyo 2021 hanggang sa mataas na 64.9 porsiyento noong Marso at Disyembre 2021, ayon sa pagkakabanggit.

Sa kabilang banda, ang trust ratings ni Duterte noong 2021 ay mula sa mababang 50.4 porsyento noong Hulyo hanggang sa mataas na 55.1 porsyento noong Enero.

President Duterte is on pace to become the first president in recent history to end his term with approval and trust ratings above 50 percent. The longevity of President Duterte’s popularity is a rarity in Philippine presidential politics,” wika ni PUBLiCUS executive Aureli Sinsuat sa isang pahayag.

Tiniyak ni Andanar na patuloy na tutuparin ni Duterte ang kanyang pangakong pagbabago hanggang sa nalalabing mga araw sa panunungkulan.

Maraming, maraming salamat po. Makakaasa po kayong magpapatulog ang ‘tapang at malasakit’ na pinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa huling sandali ng kaniyang termino,” aniya.

Ang PUBLiCUS ay nagsagawa ng isang independent, non-commissioned nationwide purposive sampling poll.

Kinapanayam nito ang mga rehistradong botante gamit ang nationwide margin of error na ±3 porsyento.

LATEST

LATEST

TRENDING