Duterte, hindi nais tanggalin ang face mask hanggang sa matapos ang kanyang termino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Bagama’t hinimok niya ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health protocols, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya nais ipatanggal ang mandatoryong pagsusuot ng face mask hanggang sa matapos ang kanyang termino.

I just state my cases, there’s no way that mask will not be required. It will be part of the protocol for a long time until my last day in the office. Iyan ang order ko at iyan ang sundin niyo,” wika ni Duterte sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Lunes ng gabi.

Binanggit ni Duterte ang pangangailangan na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask na may kasamang regular na paghuhugas ng kamay at mahigpit na physical distancing.

We are not out of the woods actually, we are still in a bind,” aniya.

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) at mga naospital sa bansa, inulit ni Duterte ang pangangailangan para sa mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna “upang maprotektahan ang katawan”.

Binanggit ni Duterte ang pangangailangang magsuot ng face mask dahil binabawasan nito ang pagkakataong kumalat ang sakit sa gitna ng mga aktibidad na may kinalaman sa halalan at relihiyon na nagsasangkot ng pagsiksikan ng mga tao.

We have so many crowds lately – religious and political (And you can see people are very close to each other),” wika ni Duterte, at idinagdag na ang mga awtoridad sa kalusugan ay nagbabala tungkol sa posibleng mas masamang epekto ng mga pisikal na pagtitipon na ito.

Ayon sa ulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kay Duterte, nakaranas ng Covid-19 surge ang ibang bansa matapos alisin ang mandatoryong paggamit ng face mask.

LATEST

LATEST

TRENDING