Palasyo iginiit ang paninindigan ni Duterte na laging itataguyod ang interes ng PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Malacañang nitong Miyerkules na itataguyod ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte “palagi” ang pambansang interes ng Pilipinas.

Isinaad si acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na ang paninindigan ni Duterte ay ang patuloy na pagtatanggol sa soberanya at teritoryo ng Pilipinas sa kabila ng malapit na ugnayan nito sa China.

The President, while engaging in diplomacy in dealing with China will always protect our territory and uphold our national interest,” aniya sa isang Palace press briefing.

Ipinahayag ito ni Andanar matapos na “illegal” na pumasok ang isang People’s Liberation Army-Navy sa karagatan ng Pilipinas nang walang pahintulot mula Enero 29 hanggang Pebrero 1 ngayong taon.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inoobserbahan ng barko ang joint exercise ng Philippine at United States (US) navies sa Sulu Sea.

Binanggit ni Lorenzana na ang lugar kung saan nakita ang Chinese vessel ay nasa Sulu Sea at hindi sa international waters.

Ang mga dayuhang sasakyang pandagat ay pinahihintulutan lamang na dumaan sa lugar, dagdag niya.

Kinilala ni Andanar na naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa insidente.

The Department of Foreign Affairs has determined that these actions violate national sovereignty and has taken appropriate diplomatic action,” aniya.

Sinabi rin niya na ipinatawag din ng DFA si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil sa paglusob ng barko sa Sulu Sea at nanawagan sa China na igalang ang teritoryo ng Pilipinas at maritime jurisdiction.

The DFA summoned the Chinese Ambassador to lodge a diplomatic protest regarding this incident,” dagdag niya.

Sa inagurasyon ng Binondo-Intramuros bridge noong Martes, sinabi ni Duterte kay Huang Xilian na ang Maynila at Beijing ay “walang anumang awayan”.

Idinagdag niya na maaari ring pag-usapan ng Pilipinas at China ang kanilang mga alitan sa teritoryo at ang mga karapatan ng mga Pilipino sa pangingisda sa loob ng pinagtatalunang karagatan.

We can talk about the Spratly Islands and probably the fishing rights of my countrymen, plain talk, nothing else. In doing so, our people are given the chance to experience economic growth and enhance productivity,” aniya.

Nakatakdang magsagawa ng virtual meeting si Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Abril 8.

Sinimulan ni Xi ang pakikipag-usap kay Duterte dahil sa posibleng spillover ng hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa Asia, kabilang ang Pilipinas at China.

LATEST

LATEST

TRENDING