AFP katuwang ng NGO upang isulong ang adbokasiya ng karapatang pantao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Bilang bahagi ng pagsisikap na isulong ang adbokasiya ng karapatang pantao, nilagdaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang memorandum of understanding (MOU) kasama ang isang non-government organization (NGO) na nagsusulong ng proteksyon sa karapatang pantao.

Pinirmahan ni AFP chief, General Andres Centino, at Sulong Peace Inc. (SPI) executive director Joeven Reyes-Escober ang kasunduan sa isang seremonya na ginanap sa AFP general headquarters building sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ang MOU signing ay pinangasiwaan ng AFP Center for Law of Armed Conflict (AFPCLOAC) sa pamumuno ni Brig. Heneral Joel Alejandro Nacnac.

The AFP remains committed to ensuring that Human Rights (HR) and International Humanitarian Law (IHL) continue to be invigorated to safeguard our country’s enduring peace and security. Our military personnel’s understanding of the significance of HR and IHL for individuals and groups involved in armed conflict can save many lives, especially during war,” wika ni Centino.

Ang MOU ay nagpapahintulot sa parehong organisasyon na magtulungan at magsagawa ng joint capacity building at pagsasanay sa loob at labas ng AFP; magkasanib na aktibidad na nagtataguyod ng HR, IHL, at Rule of Law; at pagbabahagi ng mga ulat tungkol sa mga di-umano’y mga paglabag ng mga aktor ng estado at hindi estado para sa naaangkop na aksyon ng mga kinauukulang ahensya.

As a civil society organization, we are grateful for the trust that the AFP has bestowed upon us and we promise to continue upholding Human Rights and International Humanitarian Law (IHL),” dagdag ni Reyes-Escober.

Ang SPI ay isang network ng mamamayan na nakatuon sa pagtataguyod ng kapayapaan, karapatang pantao, at IHL. Ito ay isang neutral at walang kinikilingan na organisasyon na nagtataguyod ng kapayapaan sa pamamagitan ng peacebuilding at development.

Naroon din sa seremonya si Ambassador Bjørn Jahnsen ng Royal Norwegian Embassy, gayundin ang mga kinatawan mula sa Spanish Development Cooperation ng Spanish Embassy, Commission on Human Rights, at Department of Social Welfare and Development.

The Armed Forces will always champion Human Rights and International Humanitarian Law in all our undertakings as we continue to transform into a strong and credible force that is a source of national pride,” wika ni Centino.

LATEST

LATEST

TRENDING