Duterte inatasan ang DENR na ihinto ang mga aplikasyon para sa reclamation activities

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na inatasan niya si acting Environment Secretary Jim Sampulna na ihinto ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga aktibidad sa reclamation.

Ibinigay ni Duterte ang direktiba, dahil kinikilala niya na ang mga panukala na magsagawa ng malawakang land reclamation ay isang breeding ground para sa korapsyon.

“Tanang application karon sa reclamation — tanan and it could include Cebu and Mindanao — giingnan nako si Acting Secretary na iundang tanan (Lahat ng aplikasyon ngayon para sa reclamation — lahat at maaaring kabilang dito ang Cebu at Mindanao — sinabi ko sa Acting Secretary na itigil ang lahat ng ito),” aniya sa talumpating binigkas sa Lapu-Lapu City.

Ito, dahil inihayag ni Duterte na pinaalis niya ang hindi bababa sa anim na miyembro ng Gabinete dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa mga kuwestiyonableng reclamation deal sa Manila Bay.

Tumanggi si Duterte na pangalanan ang mga sinibak na opisyal ng Gabinete. Hindi na rin niya idinetalye ang mga kuwestiyonableng panukala sa reclamation.

“Di ko kuan og kanang magpa-announce sa media pero about, in the process, five Cabinet members ang akong, o six, akong napalagpot kay because of corruption (Hindi ako mahilig mag-announce sa media pero tungkol sa, in the process, nakapagtanggal ako ng lima o anim na miyembro ng Gabinete dahil sa katiwalian.),” giit niya. “May dinismiss ako na Cabinet members and iyong ito ‘yung reclamation projects in front of Manila.

Muling iginiit ni Duterte na hindi niya maaaring suportahan ang mga aktibidad sa reclamation dahil ang makikinabang lamang sa mga ito ay ang mga “malalaking” kumpanya.

“Pero ‘yung iba lalo na ‘yung — alam mo dito sa gobyerno na ito, ‘yung projects kagaya ng mga reclamation, ang mga bilyonaryo ra diha. Ang mga way kwarta o laway ray imong kapital, di gyud puwede na because it would end sa corruption kay basig gamay ra imong kapital unya musulod ka anang butanga, eventually imo nang ibaligya sa kaning mga negosyanteng dagko. So mao to giingnan nako, ‘Habulin mo,’ (Alam mo sa mga reclamation projects ng gobyernong ito, ang mga bilyonaryo lang ang nakikipagsapalaran diyan. Yung walang pera o yung ginagamit lang ang communication skills nila bilang kapital, hinding-hindi makakapagtrabaho dahil mauuwi sa corruption dahil maliit lang ang puhunan mo sa pagsali sa negosyo, eventually, ibebenta mo pa rin sa malalaking korporasyon. Kaya, sabi ko, ‘Habulin mo’),” aniya.

Sinabi ni Duterte na wala siyang planong aprubahan ang anumang malalaking proyekto, kabilang ang mga panukala sa reclamation, sa kanyang natitirang mga buwan sa panunungkulan.

Sinabi niya na hahayaan niya ang kanyang kahalili na magdesisyon sa mga panukalang reclamation activities.

So daghan tong gusto mugukod, di na ko, di nako maka-pirma’g appointment, di na pud ko muhatag og dako na kwarta, project, parehas ani karong… And then ‘yung discretion sa itong magbigay sa mga reclamation areas sa Manila. It’s either akong giingon punggan nako, ihatag ko nalang sa sunod nga mudala (Maraming gustong makita ako. Pero hindi na, hindi ako pipirma ng appointments, hindi rin ako mag-aapruba ng malaking halaga ng pera para sa mga proyekto tulad ng… At saka ang discretion na payagan ang reclamation sa Manila, sabi ko ito ay either I’ll suspend it for meantime and just leave it to the next administration),” wika ni Duterte.

Gayunpaman, itinaas pa rin niya ang posibilidad na ang mga katanggap-tanggap na panukala sa reclamation ay maaaring maaprubahan sa “last minute”.

It’s either we give it basig last minute basta tinarong lang and the legal requirements are complied, I might just you know — pero sila, dili ako. You review everything and if you think it’s proper and legal, buhii nalang,” wika ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING