DA: Mahigit 158K magsasaka, mangingisda ang tatanggap ng P3-K bawat isa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes na mahigit 158,000 magsasaka at mangingisda ang tatanggap ng PHP3,000 halaga ng fuel subsidy sa ilalim ng PHP1.1-billion subsidy fund sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Noel Reyes na ang mga benepisyaryo sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), na gumagamit ng mga motorized boat at crude-consuming machinery ay makaka-avail ng subsidy, kahit nauna nang ipinatupad ang oil price rollback noong Martes.

Iyan po ay ibibigay sa pamamagitan ng card mula sa DBP… Ipapakita lamang po iyong ID na iyan sa mga gasolinahan na accredited ng Department of Energy. Pwede po silang magpakarga at hanggang maubos po iyong PHP3,000 na iyon,” aniya.

Sinabi ni Reyes na ang paunang PHP500-million na pondo ay inilaan para sa rollout, at ang karagdagang PHP600-million na pondo ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iyong PHP500 million po, ito lang Marso naumpisahan na po iyan last week sa Tacloban. Noong nakaraang araw nandoon po kami sa Zambales pero tuluy-tuloy na po iyan through our regional offices ng DA at ng [Bureau of Fisheries and Aquatic Resources],” dagdag niya.

Maliban sa PHP3,000 fuel subsidy, nauna nang tiniyak ng DA ang pamamahagi ng PHP5,000 halaga ng tulong sa mga magsasaka, sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance.

LATEST

LATEST

TRENDING