Duterte: Mga Partido ‘napasok’ ng mga komunista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na nagawang “makalusot” ng kilusang komunista sa ilang partidong pampulitika na pinamumunuan ng isang kandidato sa pagkapangulo.

Ginawa ni Duterte ang rebelasyon sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Martes ng umaga sa PTV-4.

Habang tumanggi siyang pangalanan ang kandidato sa pagkapangulo, sinabi ni Duterte na ang mga partidong nakikipagtulungan sa mga komunistang terorista ay nagmula sa oposisyon.

At this time, I am not ready to mention the names or name but mayroon tayong mga partido headed by someone running for the presidency and yet they are also playing into the hands of the communists mismo. I think they have been infiltrated,” wika ni Duterte.

Binalaan niya ang publiko na manatiling maingat sa posibleng koalisyon sa pagitan ng komunista at oposisyon.

Nagbigay siya ng babala, dahil inamin niyang “nag-aalala” siya sa umano’y alyansa ng oposisyon sa partido komunista.

“Inuudyok ko lahat na huwag kayong sumali diyan sa mga rebelde na kasabwat ‘yung mga miyembro ng mga political parties sa kabila,” aniya.

Sa isang prerecorded interview sa SMNI noong Marso 12, sinabi ni Duterte na sinusubaybayan ng gobyerno ang ilang miyembro ng oposisyon at mga rebeldeng komunista na maaaring nakikipagsabwatan para guluhin ang national at lokal na halalan ngayong Mayo 9, 2022.

Sa pagbanggit sa ulat ng paniktik, inihayag ni Duterte ang diumano’y “mga grupo” ng mga rebeldeng komunista at miyembro ng oposisyon na kabilang sa “Dilawan”, ang kulay na nauugnay sa oposisyong Liberal Party.

Sa isang virtual presser noong Martes, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na titiyakin ni Duterte ang isang “malinis, tapat, at kapani-paniwalang halalan”.

Ang pahayag ni Andanar ay dumating pagkatapos na pormal na inendorso ng naghaharing partido ni Duterte, ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang presidential bid ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

LATEST

LATEST

TRENDING