
MANILA – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na maaari itong magpatupad ng makatwirang parusa sa mga kandidatong tumangging lumahok sa mga debate nito.
“But, the (Comelec) en banc will still study it, the en banc will discuss it and you can hope that when your en banc makes a decision, it will be reasonable and appropriate to the extent that it needs to be adjusted,” wika ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang Laging Handa briefing nitong Martes.
Nangyari ito habang nanawagan ang ilang grupo sa poll body na magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga kandidatong hindi sisipot sa mga debateng inorganisa nito, bukod sa pagbabawal sa kanila sa paggamit ng mga online rally platform nito.
Samantala, binigyang-diin ni Jimenez ang kahalagahan ng mga debate bilang isang paraan para maibahagi ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma ng gobyerno at mga adhikain para sa bansa.
“Now, to let the candidates know, they will feel that this is an important part of their campaign, we put a small penalty. It’s small, it’s only a penalty that affects an innovation that the Comelec itself introduced, we don’t ban your campaigns or anything like that. It’s just that we want to make sure it’s clear to the candidates and everyone that we take this debate seriously,” dagdag ni Jimenez.
Nauna rito, sinabi ni poll body chairperson Saidamen Pangarungan na tatalakayin nila ang iba pang posibleng parusa sa mga pambansang kandidato na lalaktaw sa mga susunod na yugto ng “PiliPinas Debates 2022” sa kanilang en banc session ngayong linggo.
Noong weekend, idinaos ng poll body ang una sa serye ng presidential at vice-presidential debate sa Sofitel Harbour Tent sa Pasay City.
Tanging ang dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lumaktaw sa debate sa pampanguluhan noong Marso 19, na dinaluhan nina Dr. Jose Montemayor Jr., negosyanteng si Faisal Mangondato, Senador Panfilo Lacson, labor leader Leody de Guzman, former national security adviser Norberto Gonzales, former presidential spokesperson Ernesto Abella, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice President Leni Robredo at Senador Emmanuel Pacquiao.
Samantala, hindi rin dumalo ang running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte sa vice-presidential debate noong Marso 20, na nilahukan nina Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez, Dr. Willie Ong, Senator Francis Pangilinan, Carlos Serapio , at Senate President Vicente Sotto III.
Nilaktawan din ni dating Manila mayor Lito Atienza ang vice presidential debate dahil sa medikal na dahilan.





