Bongbong Marcos ipagpapatuloy ang NTF-ELCAC kung mahalal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni Presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na “tiyak” niyang ipagpapatuloy ang mga anti-insurgency program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung mahalal.

How can you object the program that brings peace. Yung mga nagrerebelde ay natutulungan na ng gobyerno. Kaya nagrebelde yan kasi wala silang nararamdaman na tulong, na serbisyo galing sa gobyerno. Walang trabaho, walang future kumbaga,” sinabi ni Marcos sa isang panayam noong Marso 19 na episode ng “The Chatroom” na ipinalabas sa PTV-4 news channel.

Lubos na itinuring ng dating senador ang NTF-ELCAC bilang isang pinalawak na civil-military action program na may whole-of-nation approach—kung saan ang lahat ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan ay nagtutulungan upang bumuo at magdala ng kapayapaan sa mga komunidad na pinapasok ng mga rebelde.

Sa pamamagitan ng anti-insurgency program ng NTF-ELCAC, sinabi ni Marcos na ang mga tao sa malalayong lugar ay nabigyan ng pag-asa at pagkakataon tulad ng pagkakaloob ng disenteng housing units, livelihood programs, at investments para panibagong simula.

“Talagang andaming nagbalik-loob ng dahil dyan. Para sakin ‘pag kausap ko lalo na yung AFP (Armed Forces of the Philippines), mga pulis—effective talaga,” wika ni Marcos.

I think it’s definitely. That’s another program that we have to continue,” dagdag niya.

Sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Martes, nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng pag-asa na ang NTF-ELCAC ay makakakuha ng patuloy na suporta mula sa susunod na administrasyon na nagsasabing ang mga anti-insurgency initiative ay nag-ambag sa sustainable peace and order sa bansa.

I hope the next administration will continue with this ELCAC,” wika ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING