Palasyo: ‘Hindi malinaw’ kung sinusuportahan ni Duterte ang pag-endorso ng PDP-Laban ni Marcos sa pagkapangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hindi sigurado ang Malacañang kung sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng kanyang naghaharing partido, ang Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa pag-endorso sa kandidatura ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito, matapos pagtibayin ng PDP-Laban ang isang resolusyon noong Lunes, na pormal na nag-endorso kay Marcos bilang presidential bid.

Ang PDP-Laban, sa kanilang resolusyon, ay nagsabing nagpasya itong suportahan si Marcos pagkatapos ng “maingat at kumpleto” na mga deliberasyon ng national executive committee nito.

Idinagdag nito na ang desisyon nito ay “isulong ang ‘Unity for Sustainability’ ng sosyo-ekonomikong pag-unlad at pambansang pag-unlad” dahil si Marcos ay “ang kandidato na ang pananaw ng pamamahala ay pinakanaaayon sa 11-point agenda ng PDP-Laban.”

Sa kabila nito, sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na wala pang opisyal na pahayag si Duterte sa kanyang gustong papalit.

The PDP-Laban, just like any political party, is composed of members and officials. That is a collegial decision as a political party. But the President himself has not given any statement on the issue or if he or if he is not supporting this or that president,” wika ni Andanar sa isang virtual press conference.

Ayon kay Andanar, “hindi malinaw” kung si Duterte, bilang tagapangulo ng PDP-Laban, ay nag-endorso din sa kandidatura ni Marcos sa pagkapangulo.

Idinagdag niya na mas mabuting hintayin ang pormal na anunsyo ni Duterte.

So, hintayin na lang po natin si Pangulong Duterte kung ano ang kaniyang personal na desisyon. At again, ang desisyon ng PDP-Laban ay base sa kanilang napag-usapan sa Partido. Ito ay malinaw na desisyon ng Partido pero hindi malinaw kung ito rin ang gusto ni Pangulong Duterte,” wika ni Andanar.

Noong Sabado, sinabi ni Andanar na wala pang nakikitang mabigat na dahilan si Duterte para suportahan ang isang kandidato sa pagkapangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING