Duterte tatalakayin sa kahalili ang problema sa droga

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Lunes na magsasagawa siya ng pagpupulong sa kanyang kahalili upang talakayin ang banta ng droga na patuloy na nakakaapekto sa bansa.

Sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Martes ng umaga, sinabi ni Duterte na hihilingin niya sa susunod na pangulo ng bansa na ipagpatuloy ang kanyang kampanya laban sa droga dahil marami pa ring mga drug offenders ang naliligaw.

I hope to… ‘Pag makausap ko pagkatapos ng elections and a new presidential shall have been elected, I said there is a time for us, me to bring, invite him dito. Ito siguro ang sasabihin ko sa kanya, patayin mo talaga itong mga [drug offenders],” wika ni Duterte.

Ipinahayag ito ni Duterte matapos iulat ni Interior Secretary Eduardo Año na may kabuuang 1,775 kilo ng shabu at 421.5 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng PHP13.2 bilyon ang nasabat sa anti-drug operations mula Marso 6 hanggang 19.

Humigit-kumulang 2,471 indibidwal ang naaresto, habang dalawa pa ang namatay sa mga operasyon, sinabi ni Año sa pakikipagpulong kay Duterte at mga piling opisyal ng Gabinete sa Palasyo ng Malacañang sa Maynila noong Lunes ng gabi.

“Ito po ang pinakamalaking nahuli sa entire Philippine history in one time na pagkakasakote sa illegal drugs. At patuloy pa rin po nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa illegal drugs Mr. President sapagkat gusto po nating tuluy-tuloy ito upang siguruhing ligtas ang ating mga kababayan sa masamang dulot ng illegal na droga,” wika ni Año.

Sumang-ayon si Duterte kay Año, at ipinag-utos ang pagpapatuloy anti-drug campaign.

Let us go and look for them. Hunt them down,” wika ni Duterte. “This [drug problem] will continue. Drugs will haunt us today, tomorrow and malayo pa ang (and it is far [from over]).

Muling iginiit ni Duterte na ang problema sa droga ay nananatiling banta sa kaligtasan ng publiko, at idiniin na ito ay patuloy na lilikha ng “maraming problema” dahil ang mga gumagamit ng ilegal na droga ay “nababaliw”.

Ang problema nito, it induces insanity sa mga tao. Ito, papatay na naman. Kapag walang pera, mag-hold up, lahat na. Multiple ang problema dito,” aniya.

Noong Pebrero 28, nagpahayag si Duterte ng pag-asa na ang kanyang kahalili ay itutuloy ang kanyang kampanya laban sa droga, na nagsasabing siya ay nababahala sa muling pagsibol ng problema sa droga.

LATEST

LATEST

TRENDING