Duque: Wala pang mandato sa pagtatanggal ng face mask

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Huwebes na nananatili ang mandato ng pagsusuot ng face mask kahit na patuloy na bumababa ang mga kaso ng coronavirus.

Sa isang televised public briefing, binanggit ni Duque bilang halimbawa ang European nations Austria, Denmark, France at Germany na nakakaranas na ngayon ng spike sa mga impeksyon sa coronavirus matapos alisin ang kanilang mandato sa face mask.

“Matuto tayo sa iba’t ibang karanasan ng mga bansa sa Europa na kung saan tinanggal nila ang mask mandates, naglipana na naman ang mga kaso,” wika niya.

Tiniyak ni Duque sa publiko na pinag-aaralan ng mga eksperto sa bansa ang posibleng pagtanggal ng mandato ng face mask at pagbaba sa lower alert status ng Covid-19 risk classification.

“Eh, gusto ba natin matulad sa kanila? Ayaw natin, so, dahan dahan tayo let us be prudent and let us be guided by data and science through our expert panel,” aniya.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Miyerkules na ang karagdagang pagpapagaan sa mga paghihigpit sa paggalaw ay pag-uusapan kapag ang buong bansa ay nasa ilalim na ng Alert Level 1.

“Sa ngayon masyadong premature, masyado pang maaga, so, Alert Level 1 muna tayo, malamang hanggang sa katapusan ng termino ng ating Pangulong Duterte,” wika ni Duque.

LATEST

LATEST

TRENDING