DOTr naglabas ng P2.5-B fuel subsidy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) na ilunsad ang unang bahagi ng PHP2.5 bilyon nitong fuel subsidy sa mga benepisyaryo ng public utility vehicle (PUV) sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makatulong na maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.

Sa Talk to the People na ipinalabas noong Miyerkules, nakiusap din si DOTr Secretary Arthur Tugade sa mga transport operators at drivers na huwag magtaas ng pamasahe, na magbubunsod ng malaking inflation.

Ang position namin, ‘wag kayong magtaas ng fare, tanggapin ‘yung ayuda, gamitin ‘yung subsidiya,” wika ni Tugade.

Nauna rito, sinabi ng LTFRB sa isang pahayag na sinimulan nilang ilunsad ang fuel subsidies na nagkakahalaga ng PHP6,500 noong Martes sa mga driver at operator ng mga public utility jeepney na nakalistang cardholders habang ang mga bus operator ay inaasahang makakatanggap ng kanilang tulong noong Miyerkules.

Ang Landbank card para sa mga karagdagang benepisyaryo ay maaaring ma-claim sa susunod na linggo, ayon kay LTFRB Executive Director Kristina Cassion.

Idinagdag niya na pagkatapos makumpleto ang mga opisyal na listahan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI), maging ang mga tricycle operator na hindi sakop ng LTFRB ay makakatanggap ng tulong kasama ang mga delivery beneficiaries.

Gayunpaman, iginiit ng ilang mga operator ng pampublikong sasakyan na hindi pa rin matitiis ang tumataas na presyo ng gasolina kahit may subsidy.

Sinabi ni Nida Saguilot, isang public utility jeepney operator, na hindi pa rin makayanan ng kanilang mga driver ang mga nakaraang pagtaas, isa na namang wave ng big-time na pagtaas ng presyo ng langis ang dumating noong Martes.

Sa pagtaas ng fuel parang ‘di sapat ‘yung PHP6,500 sa laki kasi ng itinaas (ng gasolina), isa pa lahat nagsi-taas ng presyo mga piyesa, petroleum etc. E kung ‘di itaas ang pamasahe paano na sure bababa rin ang boundary, e cost of living tumaas na rin,” aniya.

Sinabi ni Tugade na ang tulong ay para lamang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa loob ng 29 hanggang 18 araw, kung ang presyo ng petrolyo ay itatakda sa PHP60.62/litro hanggang P75.59/litro, ayon sa pagkakabanggit.

Aaminin ko ho na ‘yung ayudang ibinibigay natin ngayon ay hindi eksato todo-todo, kulang pa rin ho ‘yan, kailangang repasuhin, i-adjust, kaya nga mayroon tayong second tranche sa April. Ganun din ho ‘yung sistema ng distribution,” dagdag niya.

Bukod sa fuel subsidy, binigyang-diin din ni Tugade ang mga bentahe ng Service Contracting Program (SCP), at idiniin na ito ay napakalaking tulong sa mga operator, driver, at commuters sa gitna ng krisis. Ang programa ay dati nang nakinabang sa 75,688,064 libreng sakay riders.

Sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022, aabot sa PHP7 bilyon ang inilaan para sa SCP, na naglalayong sagutin ang lahat ng mga gastos sa pagpapatakbo kabilang ang mga gastusin sa gasolina.

LATEST

LATEST

TRENDING