Palasyo, suportado ang pagsusuri ng DOLE sa minimum na sahod

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinusuportahan ng Malacañang ang direktiba ni Labor Secretary Silvestre Bello III na suriin ang minimum na sahod sa buong bansa habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa gitna ng patuloy na tunggalian sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ito ni Communications Secretary Martin Andanar, acting presidential spokesperson, matapos utusan ni Bello ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa buong bansa na suriin ang minimum na sahod at isumite ang kanilang mga rekomendasyon sa Abril o Mayo.

Nagpahayag na rin si Labor Secretary Bebot Bello ng kaniyang suhestiyon diyan sa pag-increase ng minimum wage at siya naman ay sang-ayon dito. So I will take it from the Labor Secretary na kung iyon ang kaniyang policy,” sinabi ni Andanar sa isang panayam sa DZBB.

Aniya, dahil “alter ego ng Pangulo” si Bello, siya ay gagawa ng mga desisyon at magpapatupad ng mga patakarang makakabuti sa bansa at sa mga Pilipino.

“‘Di ba iyong veinte mil mo, ano na lang ang magagawa sa veinte mil ‘di ba or sampung libo, kinse mil. So kailangan talagang dagdagan,” dagdag niya.

Noong Miyerkules, sinabi ni Bello na masyadong mababa ang PHP537 na minimum wage para sa National Capital Region (NCR).

The PHP537 daily minimum wage (NCR) we have a slight problem because of the skyrocketing prices, that is why you can hear drivers, operators asking for (fare) increase,” aniya sa isang pahayag.

Ayon kay Bello, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo na pinalala ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring maging isang “mapanghikayat na dahilan para sa mga wage board na magrekomenda ng mga pagsasaayos sa minimum na sahod ng mga manggagawa.”

Hopefully before the end of April or May, they already have recommendations. We also need to be careful on wage adjustment to strike a balance between the need of workers and the existence of the employer,” wika ni Bello.

Ang RTWPBs sa buong bansa ang namamahala sa pagtanggap ng mga petisyon para sa minimum wage increase sa kani-kanilang mga lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING