Comelec susunod sa TRO vs. ‘Oplan Baklas’ sa mga pribadong lugar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang “Oplan Baklas” o pagtatanggal sa mga iligal na paglalagay ng campaign materials, ay magpapatuloy lamang sa mga pampublikong lugar, inihayag ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na tanging ang dismantling operation sa mga pribadong pag-aari lamang ang sinuspinde ng Supreme Court (SC) matapos maglabas ng temporary restraining order (TRO).

During the discussion of the Commission en banc earlier, it was agreed, of course, that we will honor the TRO issued by the Supreme Court. We will continue with our Baklas Operations in public spaces as it is required by law,” wika niya sa isang press briefing.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang poll body sa Office of the Solicitor General (OSG) sa kanilang komento sa kaso.

Naglabas ang Mataas na Hukuman noong Martes ng TRO laban sa Comelec at sa kampanya nitong lansagin ang mga iligal na election poster.

Ang kautusan ay inilabas bilang tugon sa petisyon ng ilang indibidwal, na mga tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo, na kinasasangkutan ng mga operasyon nito sa loob ng mga pribadong pag-aari.

Binigyan ang Comelec ng non-extendible term na 10 araw para maghain ng kanilang statement sa SC.

LATEST

LATEST

TRENDING