
MANILA – Nasa 30.55 porsiyento ng Metro Manila Subway Project (MMSP) ang natapos na, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Timothy John Batan.
“Despite the effects of the Covid-19 pandemic, again, back-to-back to back major milestones were still realized despite all odds,” wika ni Batan sa isang inspeksyon sa Valenzuela depot ng MMSP.
Sinabi niya na 576 sa 6,400 tunnel rings ang kailangan para sa partial operability segment ng MMSP ay nakumpleto na, at mas isinasagawa pa sa 7.5-ektaryang fabrication yard ng MMSP sa Norzagaray, Bulacan.
Ang DOTr ay nakakuha ng 197,000 square meters ng lupa at 585 na istruktura mula sa 324 property owners bilang bahagi ng right-of-way acquisition ng proyekto.
Sa kabila nito, sinabi niyang wala pang “forced eviction resettlement” sa 183 informal settler na pamilya na apektado ng proyekto sa tulong ng Valenzuela City government.
Sa pamamagitan ng right-of-way agreement na nilagdaan kasama ang Department of National Defense – Armed Forces of the Philippines (DND-AFP) noong Disyembre 2020, sinabi niyang gagamitin ng MMSP ang 50,000 square meters ng DND-AFP land, na may karagdagang 60,000 square meters ng lupa para sa tunneling works, at karagdagang 55,000 square meters na lupa para sa pansamantalang trabaho.
“This partnership forged between the DND-AFP and DOTr, under the leadership of Secretary [Delfin] Lorenzana and Secretary [Arthur] Tugade, will not only enable DOTr to fast track its access to construction and work sites needed for the subway but will also give DND and the AFP a fair and recurring source of resources,” isinaad ni Batan.
Sinabi niya na ang unang dalawa sa 25 tunnel boring machine na gagamitin sa proyekto ay dumating noong Pebrero 2021 habang ang PHP66 bilyon na kontrata para sa mga electromechanical system ng MMSP ay iginawad sa Mitsubishi Corporation noong Oktubre 2021.
Noong Disyembre 2020, ang J-Trec-Sumitomo Joint Venture ay ginawaran ng PHP27 bilyon na kontrata para sa 240 subway train cars.
“With today’s inspection of the MMSP, we are showing how decades of ‘plan, plan, plan,’ how decades of ‘drawing, drawing, drawing,’ and how decades of talk, talk, talk’ have changed to ‘Build, Build, Build,’” wika ni Batan.
Ang MMSP ang magiging unang underground railway system ng bansa at magbibigay ng mass transit sa National Capital Region (NCR)—mula Valenzuela City hanggang FTI sa Taguig City, Parañaque City, at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, at aabot pa sa hilaga at timog ng NCR.
Sa 17 istasyon—dalawa sa mga ito ay interoperable sa North-South Commuter Railway line—nakikitang binabawasan ng MMSP ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Quezon City at NAIA mula sa isang oras at 10 minuto hanggang 35 minuto na lamang.





