DFA itinaas ang ‘Crisis Alert Level 4’ sa Ukraine, iniutos ang paglikas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 4 para sa lahat ng lugar sa Ukraine, na naging daan para sa pagpapatupad ng mandatory evacuation para sa lahat ng Pilipino.

Sa isang advisory nitong Lunes, sinabi ng DFA na ang mandatory evacuation ay magiging gastos ng gobyerno.

Filipinos in Ukraine will be assisted by the Philippine Embassy in Poland and the Rapid Response Team, which are currently assisting Filipino nationals for repatriation and relocation,” isinaad ng DFA.

Ang DFA ay may apat na antas ng alerto—Alert Level 1 o ang ‘precautionary phase,’ Alert Level 2 o ‘restriction phase,’ Alert Level 3 o voluntary repatriation phase, at Alert Level 4 para sa mandatory evacuation o repatriation.

Ayon sa website ng DFA, ang Alert Level 4 ay inilalabas kapag may “large-scale internal conflict o full-blown external attack” sa bansa.

Pinayuhan nito ang mga Pilipinong nananatili sa Ukraine na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Poland sa pamamagitan ng telepono, Viber, o Whatsapp sa +48 604 357 396.

Ang tanggapan ng Assistance-to-Nationals (ATN) ay maaari ding tawagan sa pamamagitan ng telepono, Viber, o Whatsapp sa +48 694 491 663.

The DFA continues to closely monitor the political and security developments in Ukraine,” ipinahayag ng DFA.

LATEST

LATEST

TRENDING