Duterte, inaprubahan ang promosyon ng ilang opisyal ng AFP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag nitong Biyernes ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang mga bagong pagtatalaga at promosyon ng ilang heneral ng militar at matataas na opisyal.

Sa isang pahayag, sinabi ng AFP na si Rear Admiral Antonio Palces, ang kasalukuyang AFP deputy chief of staff for education and training (J-8) ay itinalaga bilang bagong Philippine Navy vice commander na epektibo noong Pebrero 21, na pumalit sa posisyon na nabakante ng Philippine Marine Corps commandant Maj. Gen. Nestor Herico.

Samantala, papalitan ni Air Force Maj. Gen. Nestor Florante Rayos ang posisyon ng Air Education, Training, and Doctrine Command simula Marso 12.

Nakatakda niyang ibigay ang kanyang kasalukuyang posisyon bilang Air Combat Command chief kay Maj. Gen. Edward Libago, ang kasalukuyang kumander ng Air Force Reserve Command.

Inaprubahan din ng Pangulo ang pagtatalaga kay Brig. Gen. Zosimo Oliveros bilang bagong assistant division commander ng 8th Infantry Division epektibo noong Marso 2. Siya ang kasalukuyang commander ng 802nd Infantry Brigade.

Samantala, nakatakda ring magkaroon ng bagong commander ang AFP General Headquarters at Headquarters Service Command na si Brig. Heneral Ferdinand S. Razalan, epektibo ngayong Abril 11.

Si Razalan ang kasalukuyang assistant deputy chief-of-staff ng AFP para sa reservist at retiree affairs. Si Brig. Gen. Eduardo Gubat, 603rd Infantry Brigade head, ay uupo rin bilang assistant division commander ng 6th Infantry Division simula Abril 16.

Si Marine Col. Doroteo Jose Jalandoni ay itinalaga bilang assistant deputy chief-of-staff for intelligence simula Marso 2.

Si Navy Capt. Alan Javier, ang kasalukuyang deputy commander para sa fleet operations ng Naval Forces Western Mindanao, ay itinalaga rin bilang commander ng Naval Forces West na epektibo noong Marso 2.

Sa isang hiwalay na dokumento mula sa Malacañang, inaprubahan ng Pangulo ang ad-interim appointment ng ilang senior officers ng AFP.

Si Brig. Gen. Ignatius Patrimonio, Joint Task Force Sulu commander, ay na-promote sa ranggong Major General epektibo noong Pebrero 17.

Si Navy Capt. Francisco Tagamolila Jr., Naval Forces Northern Luzon chief, ay na-promote sa ranggong Commodore habang sina Col. Consolito Yecla, commander ng 1003rd Brigade, at Col. Marvin L. Licudine, AFP Peace and Development Office head, ay na-promote sa ang ranggo ng Brigadier General na epektibo noong Pebrero 14.

LATEST

LATEST

TRENDING