
MANILA – Iniulat ng isang opisyal sa kalusugan na may kabuuang 736,880 na bata na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan na laban sa Covid-19 mula nang sinimulan ang pediatric vaccination noong Pebrero 7.
“Inaasahan po natin na tataas pa ito sa darating na mga linggo kaya po ang lahat ng mga magulang at legal guardian ay amin pong hinihikayat na magparehistro na para sa kanila pong mga anak para sa karagdagang proteksiyon para sa lalong madaling panahon,” isinaad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online media forum.
Samantala, humigit-kumulang 9.5 milyong kabataan ang ganap na nabakunahan laban sa Covid-19.
Sinabi rin ng Department of Health (DOH) na halos 10 milyong Pilipino ang nakatanggap ng booster shots.
Tiniyak nito sa publiko na ang lahat ng bakunang ibinibigay bilang booster shot ay may magandang kalidad at maaaring magbigay ng karagdagang proteksyon laban sa pagkaospital o maging sa pagkamatay dahil sa Covid-19.
“Those who were vaccinated with AstraZeneca, Gamaleya Sputnik V and light, Moderna and Pfizer, Sinopharm and Sinovac can now receive their booster shots after three months and two months if you were vaccinated with Jansen,” wika ni Vergeire.

Idinagdag niya na ang ganap na nabakunahan ay maaaring makatanggap ng ibang brand ng Covid-19 bilang booster shot mula sa kanilang mga pangunahing dosis.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na ang mga nasa hustong gulang na 18 taong gulang pataas ay karapat-dapat na makatanggap ng kanilang mga booster shot habang ang mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang ay maaaring makatanggap ng kanilang pangunahing serye ng mga Covid-19 jabs.
63 milyon ang ganap na nabakunahan
Habang ang Resbakuna Program ay minarkahan ang unang taong anibersaryo nito, sinabi ng DOH na umabot sa 63 milyon ang ganap na nabakunahan na mga Pilipino laban sa Covid-19.
Sa paunang yugto nito, binigyang-priyoridad ng programa ang pagbabakuna sa mga sektor na nasa mataas na peligro ng impeksyon sa Covid-19- ang mga medical frontliners, senior citizens, at mga taong may komorbididad.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), 93 porsiyento ng mga healthcare worker, 62.82 porsiyento ng mga senior citizen, at 92 porsiyento ng mga taong may komobididad ay ganap nang nabakunahan.
“Coming from a peak in the number of cases in January, we now observe a decline as we realize a wider and extensive national vaccination coverage in addition to minimum public health standards. This provides a clearer picture of what the World Health Organization (WHO) had previously envisioned in countries with high vaccination rates, as transmissions of the virus do not automatically lead to pressuring the health system and its capacity,” wika ng DOH sa isang pahayag noong Martes.
“We are confident that we will be able to reach our target population as we make the vaccination coverage wider and more accessible for everyone,” iginiit ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chair at Undersecretary of Health of the Field Implementation and Coordination Team (NCR and Luzon) na si Myrna C. Cabotaje sa gitna ng umiiral na pagtugon ng pambansang pamahalaan.
Patuloy na kumikilos ang DOH tungo sa proteksyon ng populasyon sa pamamagitan ng mga programa tulad ng National Vaccination Days, Resbakuna sa Botika, at pagbabakuna sa mga parmasya, primary care at occupational health clinic, gayundin sa mga air, sea, at transportation terminals para sa mga matatanda at mahihinang populasyon.
Dahil isinailalim sa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 na lugar, hinikayat ng DOH ang publiko na tandaan ang kahalagahan ng pananatiling protektado sa pamamagitan ng pagbabakuna at pagsunod sa mga minimum health standard protocols sa pagpapagaan ng mga paghihigpit.
“As the country marks the milestones of the Resbakuna program, I would like to sincerely thank the over 63 million Filipinos who have believed and trusted in our Covid-19 vaccines. I would also like to extend my gratitude to the national government agencies, local government units, civil society organizations, and development partners who took part in making all these possible. To our friends in the private sector, volunteers, and the media, the DOH truly appreciates the magnanimous efforts you have put in to make the program all the more successful. All of these further prove that vaccines and booster shots are still our best long-term solution in fighting the Covid-19 pandemic,” wika ni Health Secretary Francisco T. Duque III.





