
MANILA – Muling pinuri ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes ang kanyang mga miyembro ng Gabinete para sa mahusay na trabaho, na nagsasabing ikalulugod niyang ipasa ang mga ito sa susunod na administrasyon para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.
Sa kanyang prerecorded “Talk to the People”, sinabi ni Duterte na wala siyang magagawa bilang Presidente ng bansa kung wala ang tulong ng kanyang mga miyembro ng Gabinete.
“Limitado lang tayo ng six years but I’d be happy to hand you over to kung sino man ang susunod,” wika ni Duterte.
Sinabi ni Duterte na nakuha niya ang “pinakamahusay” sa kanyang Gabinete, at mas mabuti kung maipagpapatuloy ang kanilang mabubuting gawa sa susunod na administrasyon.
Pinasalamatan ng Pangulo si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade matapos iulat ang mahabang listahan ng mga nagawa ng administrasyong Duterte sa sektor ng transportasyon.
“I was actually looking at your slides and the way you’ve—you have not changed, your passion for achievement [always] been there. I’m old actually, maligaya ako para sa bayan na kinuha kita. Salamat for your tireless toil and I am ready to pass you on to the next administration as a gift,” wika ni Duterte kay Tugade pagkatapos ng kanyang presentasyon.
Hanga rin si Duterte kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa walang humpay na pagtatrabaho sa mga programa ng pagbabakuna sa bansa at iba pang mga tugon sa pandemya.
“You know, Secretary Galvez, so far, so good ka. From Day 1, talagang any superior would be very happy to have you,” sabi niya kay Galvez.
Sinabi ni Duterte na imumungkahi niyang panatilihin ang kanyang “pinakamahusay” na miyembro ng Gabinete para sa kapakanan ng bansa.
Bilang tugon, pinuri ni Galvez si Duterte sa kanyang kabaitan at “tuwid na pamumuno”.
“Mr. President, ako, emotional ako. Nag serbisyo lang ako dahil napakabait mo na Presidente. Kami pong mga gabinete sumusunod sa inyo dahil yung straight leadership niyo po at kabaitan hindi mapapantayan,” sinabi ni Galvez kay Duterte.
Sagot ni Duterte: “I could have not chosen better men actually.“
Pinasalamatan din ni Duterte si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa kanyang walang pagod na pagsisikap na buhayin ang ekonomiyang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“I can only say that nothing spectacular short of a very fulfilling — para sa akin we’re doing fine and recovering from the pandemic. Again also, on behalf of the Filipino people, I’d like to thank you,” sabi niya kay Lopez.
Pinuri rin ni Duterte si Education Secretary Leonor Briones para sa kanyang “mahusay” na trabaho at hindi natitinag na dedikasyon sa pagsusulong ng mas magandang sistema ng pag-aaral para sa mga kabataang Pilipino.
“Hindi talaga ako nagkamali sa pagkuha. I knew that you’d be a great help. We are nearing the end of our trip. It’s good for the listening public to [know] what are the sentiments that we poured in our work and what are the paradigms we follow being a Filipino and how to educate the Filipino people,” wika ni Duterte.
Aniya, maaaring maraming kakulangan ang bansa pagdating sa edukasyon, ngunit nais niyang hindi makalimutan ang lahat ng mga bagay na ginawa ni Briones para sa sektor ng edukasyon.
“They should not forget that those the culled wisdom for them are a lifetime in this planet. It could not go to waste and I hope that they would see the light of innovations that you introduced and they would adopt it. And they will not discard it just because it is the work of the old administration,” Duterte said.
Idinagdag niya na nais lamang ng kanyang administrasyon na ang bansa ay mailagay “sa isang mas mahusay na lugar kaysa kahapon”.
Si Duterte, na ang anim na taong termino ay magtatapos sa Hunyo, ay naunang nagsabi na hindi siya mag-eendorso ng sinumang kandidato sa pagkapangulo at siya’y “manatiling neutral” sa halalan sa Mayo 9.
“Kung magtanong kayo kung may e-endorse ako – I may or I may not. But preferably, I’d like to stay neutral. Ibig sabihin wala akong susuportahan na kandidato. Unless, again, having said that I’ll say it again, it will be a compelling reason for me to go out and tell the people what it is. I’d like to bide my time. I’m not in a hurry,” wika ni Duterte sa panayam kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar nitong Biyernes ng gabi.
Aniya, kung interes ng taumbayan ang nakataya, maaaring suportahan niya ang isang kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan.
Idinagdag niya na ang ilang mga kandidato ay humingi ng kanyang suporta at nag-set up ng isang pulong, ngunit sinabi niya na siya ay “magalang na tumanggi na sabihin, kahit sino.”
“Until now, I have yet to decide whether or not to support a candidate. At this time, nobody’s in my mind actually,” wika ni Duterte.





