Palasyo: Walang travel ban sa mga umuuwing OFWs mula Hong Kong

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hindi magpapataw ang gobyerno ng Pilipinas ng travel ban sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na babalik mula sa Hong Kong kahit na ang special administrative region ng China ay nakikipaglaban sa ikalimang coronavirus disease 2019 (Covid-19) wave, inihayag ng Malacañang nitong Martes.

“Sinumang Pilipino, saan man sa mundo ay maaaring umuwi sa Pilipinas, wala pong ban against Filipinos coming home to the Philippines. All Filipinos who want to come home to the Philippines welcome na welcome po,” sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, acting presidential spokesperson, sa isang press briefing ng Palasyo.

Nang tanungin kung magpapatupad ang gobyerno ng travel ban para sa Hong Kong, sinabi ni Nograles na wala pang desisyon sa usapin ngunit idiniin ang pangangailangan para sa lahat ng mga OFW na ganap na magpabakuna bago pumunta sa anumang bansa.

“Iyan po ang pinakamabisang paraan para ma-assure natin iyong kanilang full protection kapag sila po ay pumunta ng ibang bansa,” wika ni Nograles.

“Kung ang tanong is kung iba-ban ba natin ang Pilipino na pumunta ng Hong Kong, iyon po ang ibig kong sabihin na wala po tayong ganiyang klaseng desisyon. All Filipinos who want to come home to the Philippines welcome na welcome po,” dagdag niya.

Sinabi ni Philippine Consul General to Hong Kong Raly Tejada na umaasa siyang hindi ipagbabawal ng gobyerno ng Pilipinas ang mga umuuwing OFW mula sa Hong Kong.

But of course, that is a decision that I leave to our experts and our superiors in Manila. But of course, due to the—also based sa restrictions, hindi rin po makapunta rito ang mga Filipino. At, you know, these things are things that need to be assessed and discussed by our superiors in Manila,” aniya sa parehong virtual press briefing.

Gayunman, sinabi ni Nograles na nakasalalay sa gobyerno ng Hong Kong kung ipagbabawal nito ang mga flight papuntang Hong Kong mula sa Pilipinas.

It’s really up to the Hong Kong government in terms of banning flights going to Hong Kong from the Philippines. Wala tayong ano diyan, control diyan,” wika ni Nograles.

Nauna nang sinabi ni Nograles na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay magbibigay ng cash aid na nagkakahalaga ng USD200 (mga PHP10,000) para sa bawat OFW sa Hong Kong na nagpositibo sa Covid-19.

Aniya, agad na binigyan ng POLO ang mga OFW doon ng pagkain, hygiene kits, at power banks para magkaroon sila ng komunikasyon habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection at HK Labor Department.

LATEST

LATEST

TRENDING