OCTA: NCR positivity rate bumaba sa 4.9%

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang coronavirus positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay bumaba sa 4.9 porsyento sa unang pagkakataon mula noong Disyembre 26, 2021, ipinahayag ng OCTA Research Group noong Martes.

Sa isang tweet, sinabi ng OCTA Research fellow na si Guido David na ang positivity rate ng NCR o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa Covid-19 sa isang partikular na lugar, ay mas mababa kaysa sa 5 porsiyentong antas na inirerekomenda ng World Health Organization bago ang Omicron variant wave.

NCR remained at low risk (for Covid-19) as of February 21, 2022 as the average daily attack rate decreased to 2.85 percent, while the reproduction number was stable at 0.21, very low, and the healthcare utilization rate remained at 25 percent, very low,” wika ni David.

Ang growth rate sa rehiyon ay -28 porsiyento.

Ang mga karatig na lugar nito — ang mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal — ay nanatiling ‘low risk’ para sa Covid-19 habang ang Quezon ay bumuti sa ‘very low risk’.

Ang positivity rate sa Batangas ay 6 porsiyento; Cavite, 9 porsiyento; Laguna, 6 porsiyento; Rizal, 7 porsiyento; at Quezon 3 porsiyento.

Bumaba ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa bansa, na nagtala ng 1,427 na impeksyon noong Pebrero 21.

Ito na ang pinakamababang bilang ng pang-araw-araw na impeksyon na naitala sa bansa ngayong taon.

LATEST

LATEST

TRENDING