8.2M mga batang may edad 12-17 ang ganap na bakunado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 na hindi bababa sa 65 porsiyento o 8,295,474 ng 12- hanggang 17- taong gulang na populasyon ang nakakumpleto ng dalawang dosis ng bakuna laban sa coronavirus.

Sa kabilang banda, binanggit ni NTF chief Secretary Carlito Galvez Jr. na humigit-kumulang 3 milyon sa ilalim ng pangkat ng edad ang hindi pa nabakunahan.

Kailangan na rin po nating hanapin at hikayatin pa ang 3 milyon na hindi pa po nababakunahan,” sinabi ni Galvez sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi.

Sa usapin ng pagbibigay ng booster shots para sa 12-17 age group, sinabi ni Galvez na naghihintay ang gobyerno ng mga ulat sa pagbibigay ng karagdagang dosis sa mga bata.

Naghihintay muna po tayo sa advice ng ating mga eksperto at tingnan po muna natin kung marami na pong bansa ang nagboo-booster for 12 to 17 years old,” wika ni Galvez.

Sa kasalukuyan, ginagamit ng gobyerno ang orihinal na formulation ng Pfizer Covid-19 para sa nasabing age bracket.

Noong Pebrero 16, nakatanggap ang bansa ng kabuuang 224,823,360 na dosis ng bakuna laban sa Covid-19, parehong binili at ibinigay.

Hindi kasama sa kabuuan ang 293,670 Pfizer doses, na naibigay ng gobyerno ng Australia sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund, na dumating noong Lunes ng gabi.

LATEST

LATEST

TRENDING