
MANILA – Nakatuon si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing “ganap na transparent” ang pagpili ng mga appointees sa mga nabakanteng posisyon ng mga kamakailang nagretiro na opisyal ng Commission on Elections (Comelec), inihayag ng Malacañang nitong Lunes.
Ito, matapos ipahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, acting presidential spokesperson, nitong unang bahagi ng buwan na mayroon nang shortlist si Duterte ng mga nominado para sa mga posisyon sa Comelec.
“The President has likewise committed that the selection of appointees to positions vacated by the recently-retired officials of the Commission on Elections shall be completely transparent, with candidates undergoing a stringent merit-based vetting process,” aniya sa isang press statement.
Inulit din ni Nograles ang pagtitiyak ni Duterte at ng kanyang administrasyon para sa isang tapat, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 9, 2022.
Sisiguraduhin aniya ni Duterte na ang electoral exercise ay ganap na aayon sa mga kinakailangan ng Konstitusyon at batas.
Sa unang bahagi ng buwang ito, nagretiro sina Comelec Chair Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. na iniwang nabakante ang tatlong mahahalagang posisyon tatlong buwan bago ang halalan.
Nanawagan ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) kay Duterte na isapubliko ang shortlisted na mga kandidato sa tatlong bakanteng posisyon sa Comelec at tiyakin ang “bukas at transparent” na proseso ng appointment.
“Namfrel enjoins President Rodrigo R. Duterte to make public its shortlisted candidates, and to invite ordinary citizens to present comments, inputs, and personal information on the candidates, before the Office of the President makes the final decision on the appointments, to ensure transparency in the process and to help identify the most qualified and competent appointees,” sinabi ng grupo sa isang pahayag.
Sinabi nito na “ang isang transparent na proseso ng appointment, na nakatuon sa mga kwalipikasyon at pagiging angkop para sa trabaho, ay makakatulong upang maalis ang mga alalahanin na ang Comelec bilang isang constitutional body ay bubuuin ng mga indibidwal na nanggaling lamang sa bayan ng Pangulo, o mga nasa loob ng inner circle ng Pangulo.”
Sinabi rin ni Namfrel na ang naturang merit-based at transparent na diskarte ay kinakailangan, dahil ang halalan sa Mayo 2022 ay isasagawa sa ilalim ng matinding mga hamon sa kaligtasan at kalusugan dahil sa pandemya ng Covid-19 at ang isang bukas na proseso ay makakatulong na mapalakas ang tiwala ng publiko sa Comelec.
“As the steward of the Philippine election process, the Comelec should be strengthened, and should invite the trust and respect of the Filipino people,” wika ni Namfrel.
“Namfrel believes that by ensuring that the appointment process will be open and transparent, the President will leave a lasting legacy of a strong, independent, and credible Commission on Elections,” dagdag nito.





