PUBLiCUS Asia survey: Ekonomiya ng PH, hanapbuhay mga nangungunang isyu sa halalan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ayon sa pinakahuling national survey ng PUBLiCUS Asia Inc., ang ekonomiya ng Pilipinas at hanapbuhay ang dalawang nangungunang isyu sa halalan para sa mga botante.

Batay sa PAHAYAG: National Election Tracker Survey na isinagawa noong Pebrero 11-16, ang 65 porsiyento ng 1,500 rehistradong botanteng Pilipino na sinurbey ay nagpahiwatig na ang ekonomiya ng Pilipinas ay isa sa kanilang nangungunang tatlong alalahanin para sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Mahigit sa isang-katlo ng mga respondent (36 porsyento) ang nagbanggit sa ekonomiya bilang kanilang numero unong alalahanin.

Samantala, 56 porsiyento ng mga respondent ang nagtukoy ng trabaho bilang isa sa kanilang nangungunang tatlong alalahanin. Edukasyon (34 porsiyento), kahirapan (24.4 porsiyento), at katiwalian (23.8 porsiyento) ang iba pang nangungunang isyu sa mga respondent.

Economic and livelihood issues appear to be at the forefront of voters’ minds going into the May 2022 election. The data suggest that voters are interested in learning more about the economic platforms of candidates vying for national positions,” sinabi ni Aureli Sinsuat, executive director ng PUBLiCUS Asia Inc.

Sinabi ni Sinsuat na ang mga alalahanin ng mga botante tungkol sa ekonomiya at trabaho ay malamang na bunga ng paghina ng ekonomiya na naranasan ng Pilipinas nang tumama ang Covid-19 sa kapuluan noong unang bahagi ng 2020.

As the Covid-19 situation continues to improve in the Philippines, voters want to know how aspiring national leaders plan to get the economy back on track in the post-pandemic era,” wika ni Sinsuat.

Hinikayat din ni Sinsuat ang mga kandidatong tumatakbo para sa national office na maglabas ng detalyadong impormasyon sa kanilang mga plano upang pasiglahin ang pagbangon ng ekonomiya at paglikha ng trabaho sa susunod na anim na taon.

Voters have the right to make informed decisions on Election Day based on the economic platforms championed by candidates for higher office. Candidates for higher office should be ready and willing to answer tough questions over the next couple of months about their proposed economic policies,” wika niya.

Ang PAHAYAG National Election Tracker Survey ay isang independent non-commissioned national survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc. Ang mga miyembro ng purposive survey panel ay random na pinili mula sa online research panel marketplace ng 200,000 mga Pilipino na pinananatili ng Singapore office ng US-based PURESPECTRUM, batay sa mga parameter na itinakda ng opisyal na istatistika ng Comelec sa mga rehistradong botante.

LATEST

LATEST

TRENDING