Duterte sa FDA: Magsagawa ng follow-up prosecution laban sa mga nagbebenta ng pekeng gamot

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na magsagawa ng follow-up na pag-uusig matapos ang pagsalakay sa mga nagbebenta ng pekeng gamot at fly-by-night drug stores.

“Ang akin lang kasi there must be a follow-up sa prosecution para mahinto na ito,” sabi ni Duterte kay FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez sa kanyang prerecorded Talk to the People noong Lunes ng gabi.

Binigyang diin ni Duterte ang kahalagahan ng pagsasampa ng mga kaso laban sa mga sangkot ng iligal na aktibidad, at binanggit nito na matatakot ang mga tao na sundin ang mga maling gawain ng iba.

That’s the only way to discourage people selling fake medicines even they are called legit outlets,” giit niya.

Sinabi ni Gutierrez na nakikipag-ugnayan na ang FDA sa mga awtoridad ng pulisya upang ihinto ang pagbebenta ng mga pekeng gamot, lalo na sa mga maliliit na negosyo tulad ng mga sari-sari store.

Dagdag ni Gutierrez na ang mga sari-sari store na ito ay karaniwang kumukuha ng permit sa pamamagitan ng local government units (LGUs).

We would like sana to work with the LGUs para po maybe they can pass an ordinance na iyong mga sari-sari store po do not buy or carrying medicine,” aniya.

Sinuportahan ni Duterte ang plano ni Gutierrez at inatasan ang mga LGU na magpataw ng mahigpit na ordinansa laban sa pagbebenta ng mga pekeng gamot.

“Sabihin mo lang utos ito ni Presidente ibigay daw sa inyo, tapos gusto ni Presidente na mabigyan siya ng monitoring output para masundan ko rin,” sabi niya kay Gutierrez.

Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na susuportahan nila ang FDA sa paglaban nito sa pagbebenta ng pekeng gamot.

We will intensify this and make sure that our LGUs will join this campaign against the selling of fake medicines because they are dangerous to the health of our constituents. We will coordinate with the FDA on the issuance of appropriate circular order,” wika ni Año.

Hinimok din ni Duterte ang FDA na palakasin ang koordinasyon nito sa mga awtoridad ng pulisya tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kapag gagawa ng aksyon laban sa mga nagbebenta ng mga pekeng gamot.

Do not venture out or make mga ganito raids and everything, without the corresponding prosecution kasi kailagan talaga mademanda ito. So you are better off with the NBI conducting or the CIDG,” aniya.

Dagdag pa ni Duterte, dapat makulong ang mga taong sangkot sa naturang ilegal na aktibidad dahil isa itong malalang panloloko.

LATEST

LATEST

TRENDING