
MANILA – Nagbabala nitong Linggo si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi pa dapat ibaba ang National Capital Region mula Alert Level 2 sa 1, lalo na sa patuloy na kampanya sa pambansang halalan.
Ia-update ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga alituntunin sa quarantine, simula Pebrero 15 hanggang 28, sa Lunes .
“Sa mga susunod na araw, kailangan talaga tayong magbantay pa dahil alam natin na papalapit nang papalapit ‘yan. Pa-igting nang pa-igting ‘yung kanilang pangangampanya, lalo na kapag pumasok na ‘yung local election period,” aniya sa isang panayam sa radyo.
Magsisimula na sa Marso 25 ang kampanya ng mga kandidato para sa House of Representatives, regional, provincial, city, at municipal positions.
“’Pag sinabi nating Alert Level 1, minimum public health standards na lang ma-iiwan diyan tapos lahat pwede na, 100 percent na halos lahat ng activity. Baka mabilaukan tayo rito,’’ dagdag ni Año.
Samantala, sinabi ni Philippine National Police Public Information Office chief, Brig. Gen. Roderick Alba, pinaalalahanan ang publiko na patuloy na magsagawa ng physical distancing at iwasan ang pagpapakita ng pagmamahal sa publiko kapag ipinagdiriwang nila ang Araw ng mga Puso sa Lunes.
“May we remind the public to avoid crowding or gathering in public areas. Also, let us avoid public display of affection so we can set a good example to others. Part of the protocol is to still wear face masks,” wika ni Alba. “Let us show that love to our countrymen by contributing toward healthy and safe living.”





