Palasyo: Serbisyo publiko ni Duterte magpapatuloy hanggang matapos ang termino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tiniyak ng Malacañang nitong Miyerkules na magpapatuloy ang serbisyo publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mamamayan hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, acting presidential spokesperson, na si Duterte ay palaging nagsisilbi para sa ikabubuti ng bansa at sambayanang Pilipino, at ito ay mapapanatili hanggang sa huling limang buwan ng kanyang termino bilang pangulo ng Pilipinas.

Nagpasalamat din si Nograles sa publiko sa pagbibigay kay Duterte ng “very good” net satisfaction rating na +60 batay sa December 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).

I think this is unprecedented. Kung ikumpara natin si Pangulong Duterte at this point that towards the last month of his administration, compared to previous presidents at this point also that towards their respective last months in their administration, si Pangulong Duterte po – kung hindi ako nagkakamali – ang may highest net satisfaction rating, ito iyong December 2021,” ani Nograles.

Sinabi ni Nograles na mas magsusumikap si Duterte hanggang Hunyo bilang tugon nito sa mamamayang Pilipino na patuloy na nagpapakita ng kanilang suporta sa gobyerno.

What is the best for the greatest number, what is…ano ‘yung public service na nakita na natin kay Pangulong Duterte, ipagpatuloy po niya ‘yan hanggang sa katapusan ng kaniyang termino,” wika ni Nograles.

Kabilang sa mga legasiya ni Duterte sa buong panahon ng kanyang pagkapangulo ay ang pagbibigay ng libreng sistema ng irigasyon, libreng mataas at teknikal na edukasyon, at libreng matrikula sa kolehiyo.

Tapat sa kanyang mga pangako noong 2016 halalan, naging sinsero si Duterte sa pagbibigay ng mga solusyon sa malalaking problema ng bansa, tulad ng droga, kriminalidad, sa kapayapaan at kaayusan, katiwalian, gayundin sa insurhensya at iba pa.

Sa ilalim ng administrasyong Duterte, napabuti ang Universal Health Care system ng bansa sa kabila ng mga hamon na dala ng Covid-19 pandemic.

Sinabi rin ni Nograles na palaging determinado si Duterte sa pagtulak ng mga epektibong diskarte sa pagtugon sa krisis sa kalusugan.

“Na naging decisive at mabilis po ‘yung aksyon ni Pangulong Duterte at ng kaniyang administrasyon dito sa laban against Covid-19 at ang mamanahin ng susunod ng administrasyon ay mas marami siguro ang 90 million na mga Filipinos ang target natin na fully vaccinated,” dagdag niya.

Sa pagtatapos ng termino ni Duterte, umaasa ang Palasyo na makakabalik na ang publiko sa new normal.

LATEST

LATEST

TRENDING