TikTok user sa likod ng ‘death threat’ ni Marcos, sumuko sa NBI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Miyerkules na sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang taong kinilala na may account sa TikTok na nauugnay sa umano’y planong pagpatay laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM).

The owner of the BBM death threat account voluntarily turned himself into the NBI yesterday (Tuesday). He was advised to secure the assistance of counsel. I think he went to the NBI to give his side, but he’s not under arrest,” wika ni Guevarra sa isang mensahe sa mga mamamahayag.

Dahil sa seguridad, ani Guevarra, hindi muna maglalahad ang NBI ng anumang detalye sa ngayon habang sinusuri pa ang kaso.

Nauna nang binigyan ng isang buwan ang NBI para mag-ulat tungkol sa umano’y tangkang pagpatay na ginawa sa pamamagitan ng Chinese video-sharing platform.

Nilinaw ni Guevarra na iniimbestigahan ng gobyerno ang lahat ng banta sa mga pampublikong opisyal, nakaraan at kasalukuyan, kabilang ang mga kandidatong tumatakbo para sa mga pampublikong tanggapan, sa agarang pagtanggap ng impormasyon.

Maaari rin aniyang matunton ng DOJ Office of Cybercrime at NBI ang mga indibidwal na nagbabantang pumatay o manggahasa sa mga pampublikong opisyal.

Ang banta sa kamatayan ay isang labag sa batas na gawa sa katotohanan man o hindi at kahit na ito ay imposible, dagdag niya.

Ang TikTok user ay nag-post umano ng “we are meeting everyday to plan for BBM’s (Bongbong Marcos) assassination. Get ready.”

LATEST

LATEST

TRENDING